Close

January 21, 2024

Christ Crucified

Ang karunungan ng mundo ay kamangmangan sa mata ng Diyos. Kinukutya ng mundo ang ipinakong Kristo, ngunit sa katotohanan, Siya ang inilaan ng Panginoon para sa kaluwalhatian! Ngayong linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Renz Raquion na huwag magtiwala sa makamundong karunungan, at sa halip, ay magtiwala sa krus at sa dakilang plano ng Diyos para sa ating kaligtasan. The wisdom of the world is foolishness to God. While the world mocks the cruxified Christ, He is actually God’s plan for glory. This week, Ptr. Renz Raquion reminds us to distrust earthly wisdom and instead place our trust in the cross and God’s great plan of salvation.


Basahin sa Bibliya

1 Corinthians 1:18-25

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ipahayag ang mga pagdududa o mahihirap na karanasan mo sa iyong spiritual journey. Ang iyong pag-unawa ba sa Cross at Diyos ay lumalim sa pamamagitan ng mga karanasang iyon? Paano nagiging source ng comfort, reassurance, at hope ang mensahe ng Cross sa panahon na ikaw ay nahihirapan?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Bakit gustong wasakin ng Diyos ang karunungan (wisdom) ng tao? (v.19) Hindi ba’t nilikha Niya tayo na may karunungan, ano ang saloobin mo dito?
• Sa konteksto ngayon, sa anong mga sitwasyon nangyayari ang hindi pagkakaunawaan at pagkakahiwa-hiwalay dahil sa pagpapahalaga sa mga conventional na mga paraan ng pag-iisip/karunungan ng tao?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Isaalang-alang ang isang kamakailang desisyon na ginawa mo at pag-isipan kung hinangad mo ang patnubay ng Diyos o umaasa ka lamang sa iyong sariling karunungan at kakayahan. Sa anong mga bahagi ng iyong buhay ka nahihirapang umasa sa karunungan ng Diyos? Ano sa tingin mo ang pumipigil sa iyo na gawin ito (example: pride, takot, galit sa Diyos)?
• Kung nakaranas ka na ng pangungutya dahil sa iyong pananampalataya, ibahagi kung ano ang naramdaman mo. Paano mo naproseso ito, at paano ito nakaapekto sa iyong pagtugon sa mensahe ng Cross?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Pagnilayan ang magkakaibang pananaw na mayroon ang mga tao tungkol sa mensahe ng Cross. Sa iyong pakikipagusap sa mga tao, tinuturing ba nilang kalokohan ang mensahe ng Cross? Anong paraan ang maaari mong gawin upang maibahagi nang epektibo ang mensahe ng Cross?
• Talakayin sa iyong Life Group/pamilya/komunidad kung paano ka makakapag-ambag sa pagkakaisa ng mga mananampalataya sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa pangunahing mensahe ng Cross. Anong mga hakbang ang maaari mong gawin upang lalong lumalim ang pagunawa sa Gospel sa iyong mga fellow believers?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Lumapit sa Ama sa Langit na may pusong puno ng papuri at pasasalamat sa malalim na katotohanan ng Cross. Maglaan ng oras upang ipagdiwang ang kapangyarihan at karunungan na nakapaloob sa mensahe ng kaligtasan sa pamamagitan ng Kanyang Anak, si Jesucristo. Magpasalamat sa Kanya para sa sakripisyong pag-ibig na ipinakita sa Cross, na nagdadala ng pagtubos, kapatawaran, at buhay na walang hanggan. Ipagdasal na umapaw ang iyong pasasalamat habang iniisip mo ang pagbabagong epekto ng Gospel sa iyong buhay at sa buhay ng mga taong nasa iyong paligid.
• Balikan ang mga sandali kung kailan, alam mo man o hindi, umasa ka sa karunungan ng tao kaysa sa patnubay ng Diyos. Ipagtapat ang anumang pagdududa o sandali ng kahinaan kung saan maaaring kinuwestiyon mo ang kapangyarihan ng Cross. Hilingin sa Diyos na bigyan ka ng lakas na manindigan nang matatag sa pananampalataya, lakas ng loob na ipahayag ang mensahe ng Cross, at magbigay ng habag sa mga nahihirapang tanggapin ito. Ipagdasal na ang iyong buhay ay maaaring magpakita ng isang tunay na pag-asa sa Kanyang karunungan at commitment na isabuhay ang pagbabagong kapangyarihan ng Gospel sa lahat ng iyong ginagawa.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.