Our Hope for a Better Tomorrow ay Nagpapalakas sa Ating Faith Today
Ang pag-asa ng isang bagong mundo na itatatag ni Hesus sa Kanyang pagbabalik ang maguudyok sa atin na mamuhay nang tama sa kasalukuyan. Itong linggo, ibabahagi ni Rev. Mike Cariño ang panghihikayat ni Apostol Pedro sa bawat mananampalataya na manatiling tapat, maka-Diyos, at patuloy na mamuhay sa biyaya at awa ng Panginoon.
The hope for a future new world that Jesus will establish upon His return should motivate every believer to persevere in the present world. This week, Rev. Mike Cariño shares Apostle Peter’s final encouragement for believers to live a godly, grace-filled, and faithful Pilgrim’s Life.
Basahin sa Bibliya
2 Peter 3:14-18
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Saan nakaugat ang iyong pag-asa? Ano ang nakakatulong sa iyo upang maging magtiyaga sa kasalukuyan?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Paano tinatanaw ni Peter ang mga isinulat ni Paul? Bakit ito mahalaga? (vv.15-16)
• Paano nakakatulong ang paglago sa grace at knowledge sa holistic na paglago ng isang Kristiyano (v.18)?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Suriin ang iyong sarili: Gaano mo iginagalang ang awtoridad ng Salita ng Diyos sa iyong pang-araw-araw na buhay? Tukuyin kung anong mga asal o gawi na nakakasira sa iyong paggalang sa Bibliya.
• Maging tapat: Mula noong nakaraang mga mensahe tungkol sa mga maling turo at guro, nakagawa ka na ba ng progress sa pagprotekta sa iyong sarili laban sa mga ito? Ano ang naghihikayat at humahadlang sa iyo?
5. Engage the hands (15-20 mins) • Ano ang mga konkretong hakbang na maaari mong gawin upang mapanatili ang godly character sa iyong pamumuhay? Paano mo ito ipapatupad sa iyong trabaho/pag-aaral, pamilya, at komunidad?
• Paano mo mapapalalim ang iyong kaalaman tungkol kay Jesus? Ano ang mga regular na gawain na maaari mong isama sa iyong araw-araw na buhay upang mas lalo mong makilala si Jesus?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos sa kamangha-manghang biyayang ibinuhos Niya sa atin. Magpasalamat sa Kanya para sa maluwalhating katotohanan na si Kristo ay namatay para sa atin, inilibing, at muling nabuhay upang ang lahat ng naniniwala sa Kanya ay hindi mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan. Ipanalangin na tumugon ka dito sa pamamagitan ng paglago sa grasya, araw-araw, para sa Kanyang karangalan at kaluwalhatian. Hilingin din ang kasipagan na bantayan ang iyong puso at panatilihing nakatingin kay Jesus ang iyong mga mata.
• Ibinigay sa atin ng Diyos ang lahat ng kailangan natin upang mamuhay ng maka-Diyos na buhay. Ipanalangin na bigyan ka ng Diyos ng lubos na kaunawaan sa mga talata sa Bibliya na maaaring nakalilito at madaling mabaluktot ng iba. Ipagdasal na hindi ka madala sa mga maling turo kundi maging mas malalim sa Salita ng Katotohanan.
• Sa limitadong oras na natitira, ipanalangin na maraming tao ang magsisi sa kanilang mga kasalanan at humingi ng kapatawaran kay Kristo.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.