Close

October 15, 2023

Handa sa Pagbabago

Pinagpala man ang buhay Kristiyano, hindi maiiwasan ang pagdurusa sa mundong ito na iba ang mga pananaw at pamantayan sa buhay. Ngayong linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Jared Co na suriin ang ating pananaw ukol sa pagdurusa at ihanda ang ating sarili na tularan si Kristo sa gitna ng mga pagsubok na pagdadaanan natin sa buhay.

While the Christian life is blessed, suffering is an unavoidable reality when we live in a world that views life very differently. This week, Ptr. Jared Co urges us to rethink our view of suffering and prepare ourselves to imitate Christ as we face many trials as pilgrims in this world.


Basahin sa Bibliya

1 Peter 4:1-11

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ilarawan ang isang pagkakataon kung kailan ipinakita ng isang tao ang pag-ibig ni Kristo kahit na mahirap itong gawin.

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang layunin ng buhay ng isang Kristiyano (v.2)?
Paano dapat tumugon ang mga Kristiyano sa kanilang kaalaman sa “katapusan” (v.7)?
Ano ang layunin ng mga Kristiyano para gamitin nang maayos ang mga ipinagkaloob ng Diyos (v.11)?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Paano mo ilalarawan ang buhay mo mula nun naging Kristiano ka? May mga pagbabago ba sa buhay mo na naakikita ng mga tao sa paligid mo?
• Ano ang ginagawa mo kapag hinila ka ng mga kaibigan o katrabaho para sumali sa kanilang mga makamundong gawain/lifestyle? Ano kaya ang mga dahilan kung bakit ganito ang iyong tugon?
• Ano ang humahadlang sa iyo upang ipanalangin, ibigin, at pagsilbihan ang mga nakasakit sa iyo?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Ilista ang mga partikular na tao o grupo na hinihiling ng Diyos na ipakita mo sa kanila ang pagmamahal at kabutihan. Maaaring ito ay mga taong hindi pa tumanggap kay Kristo bilang kanilang Panginoon at Tagapagligtas. Pagkatapos, gumawa ng konkretong plano kung paano sila mamahalin hanggang sa katapusan ng 2023.

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos para sa napakagandang halimbawa ni Hesus—Siya ay naparito sa lupa upang tayo ay maligtas sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanyang gawaing pagsasakripisyo sa Krus. Ipagdasal na magkaroon ka ng parehong determinasyon na ituloy at mamuhay ng isang banal at masunurin na buhay, batid na hindi lamang Niya binayaran ang kaparusahan ng iyong kasalanan kundi sinira rin ang kapangyarihan ng sin sa iyong buhay.
• Humingi ng tawad para sa mga kaisipan at mga aktibidad na ginawa mo na hindi nagpaparangal sa Diyos. Humingi ng tulong sa Diyos sa paglaban kay Satanas habang umiiwas ka sa lahat ng uri ng makamundong hangarin at masasamang pagnanasa na hahadlang sa iyong espirituwal na pag-unlad at testimony.
• Hilingin sa Diyos na bigyan ka ng puso para sa mga nawawala, lakas ng loob na ibahagi ang Kanyang Salita, at compassion sa iba—lalo na sa mga maaaring mag-persecute sa iyo dahil sa iyong pananampalataya. Ipanalangin na masigasig mong gamitin ang mga ipinagkaloob ng Diyos sa iyo para sa Kanyang kaluwalhatian.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.