Close

September 24, 2023

Dahil Sa Ating Hope In Christ, We Can Follow God Even When People Reject Us

Kaya ba nating manatiling tapat sa Diyos at magsilbing liwanag sa mundong ito sa kabila ng mga pagsubok at pang-aapi? Itong linggo, ibabahagi ni Rev. Mike Cariño kung paano tayo maaaring mamuhay bilang mabubuting mamamayan, kapitbahay, o katrabaho sa pamamagitan ng pag-asang ibinibigay ni Kristo.

How do we remain faithful to God and serve as a light in this world despite trials and oppression? This week, Rev. Mike Cariño shows how we can be good citizens, neighbors, and co-workers in a fallen world because of our hope in Christ.


Basahin sa Bibliya

1 Peter 2:13-25

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Isipin ang isang Kristiyano na lubos mong hinahangaan. Ibahagi kung bakit mo siya hinahangaan at kung anong mga values, attitudes, at actions niya ang gusto mong tularan.

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang mga talata. Ano ang ibig sabihin ng pagpapasakop (submission)? Ano ang pagkakaiba (kung mayroon) sa pagitan ng submission at pagsunod (obedience)?
• Ano ang sinabi ni Peter na nakalulugod sa Panginoon (vv.19-20)? Bakit sa palagay mo ito ay nakalulugod sa Kanya?
• Anong mga dahilan ang ibinigay ni Peter para sa pagkamatay ni Hesus sa krus (v.24)? Sagutin mo ito sa paraang ipinapaliwanag mo sa isang tao na hindi Kristiyano?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Sa anong mga paraan mo naranasan ang isang “amo” na tila hindi makatwiran? Paano maihahambing ang iyong mga nakaraang tugon sa kung paano ka tinawag ni Peter mabuhay?
• Anong mga tiyak na katotohanan mula sa talatang ito ang sa tingin mo ay makatutulong sa iyo kapag ikaw ay tempted not to submit? Paano nakakaapekto ang iyong tingin sa Diyos sa iyong submisson sa “mga amo”?
• Suriin ang iyong puso. Paano ka mag-react kapag sinasaktan ka ng iba? Ano ang nag-tempt sa iyo na gumanti?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Tinukoy ni Peter si Jesus bilang ating Tagapagligtas at ehemplo. Anong mga values, attitudes, at actions ang ipinakita ni Jesus? Ano ang maaari mong gawin upang maging maliwanag ang mga ito sa iyong buhay bilang isang good citizen, neighbor, employee, at servant/follower of Christ?
• Anong mga konkretong hakbang ang maaari mong gawin upang labanan ang pagnanais na balikan ang mga taong hindi patas ang pakikitungo sa iyo at patawarin ang mga taong nasaktan ka nang husto?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Ipahayag ang iyong pasasalamat kay Hesukristo sa hindi lamang pagkamatay sa krus at pagsira sa kapangyarihan ng kasalanan sa ating buhay, kundi sa pagbibigay din sa atin ng perpektong halimbawa kung paano mamuhay ng maka-Diyos na buhay na nakalulugod sa Panginoon. Ipagdasal na mamuhay ka ng may isang malinaw na patotoo ng Kanyang biyaya at pagmamahal sa sinumang makakatagpo mo.
• Tanggapin na maaaring may bahagi sa loob mo na ayaw magdusa. Ipagdasal na sa anumang highs o lows na mararanasan mo sa buhay, gaano man kalaki o kaliit, i-surrender mo ang iyong buhay sa mga kamay ng Diyos. Hilingin sa Diyos na tulungan kang alalahanin ang Kanyang mga pangako at ang Kanyang kamangha-manghang katangian sa Kanyang Salita. Magpasalamat sa Panginoon na ang Kanyang biyaya ay sapat sa pamamagitan ng anumang hindi makatwirang suffering at bashing na maaari mong harapin.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.