Buhay Alien
Maituturing na dayuhan ang mga Kristiyano sa mundong ito dahil kakaiba ang kanilang mga pananaw at paraan ng pamumuhay. Ngayong linggo, ilalarawan ni Ptr. Allan Rillera kung paano tayo dapat mamuhay bilang mga Kristiyano habang hinihintay ang pagbabalik ng ating Hari na ‘Syang sasagip sa atin pauwi sa Kanyang kaharian.
Christians are foreigners in this world because our values, beliefs, and actions are different. This week, Ptr. Allan Rillera describes how we, as Christians, should live as strangers in a foreign land as we await our King who will one day bring us back home.
Basahin sa Bibliya
1 Peter 1:13-25
Life Group Discussion Guide
Download PDF
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ibahagi kung paano ang iyong buhay bago ka naging Kristiyano. Paano ito naiba ngayon? Paano naiba ang iyong espirituwal na buhay sa 5 o 10 taon na nakalipas?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Para saan ang “kaya” (therefore) doon sa berso 13?
• Ipaliwanag ang kabanalan. Mula sa kahulugang ito, paano mo ilalarawan ang isang “banal” na buhay bilang dayuhang anak ng Diyos? Paano naiiba ang banal na buhay sa makamundong buhay (sa panloob at panlabas)?
• Ano ang itinuturo sa atin ng talatang ito tungkol sa katangian ng Diyos?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Suriin ang iyong puso. Ano ang humahadlang sa iyo sa pamumuhay na may takot at respeto sa Panginoon?
• Naniniwala ka ba na ang salita ng Diyos ay buhay at kayang magbago ng tao? Ano ang bumabagabag sa iyong isip, puso, o mga kamay?
• Balikan ang mga nakaraang buwan. Nagpakita ka ba ng pagmamahal o pangangalaga sa iba nang may kondisyon o walang kondisyon?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Posible bang huminto sa pagsunod sa mga paniniwala, pamantayan, at gawi ng mundo? Paano mo ito gagawin? (Paalala para sa mga lider: siguraduhin na ang mga sagot ng iyong mga miyembro ay hindi lamang mababaw na pagbabago)
• Sa anong mga konkretong paraan mo maipakikita ang pagiging isang mapagmahal na dayuhang anak ng Diyos/disciple ni Hesus?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Pag-isipan ang mga pagkakataong hindi mo pinapansin o binalewala ang biyaya ni Kristo. Maglaan ng oras upang ipahayag ang iyong pasasalamat sa halagang ibinayad ni Kristo upang tubusin tayo at makasama natin Siya ng walang hanggan.
• Hilingin sa Diyos na tulungan kang mamuhay nang may dalisay na puso, mapitagang takot sa Panginoon, at tapat na pagmamahal sa isa’t isa. Manalangin na maging banal bilang Siya ay banal, namumuhay ng isang buhay na nagpaparangal sa Kanya sa isip, salita, at gawa.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.