Sinong Paglilingkuran Ninyo?
Ang Diyos lamang ang karapatdapat sa ating paglilingkod. Itong linggo, ipinapaalala ni Ptr. Joseph Ouano na sinasalamin ng ating pamumuhay kung sino ang napili nating paglingkuran. Ang Diyos nga ba ang pinagsisilbihan natin o mga diyos-diyosan lamang?
Only God is worthy of our service. This week, Ptr. Joseph Ouano reminds us that our lifestyles reflect who we have chosen to serve. Are you serving our Lord and God or have you chosen to worship worldly idols?
Basahin sa Bibliya
Joshua 24
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng ilan sa mga mahalagang desisyon na ginawa mo sa iyong buhay. Ano ang naging epekto ng iyong desisyon?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang kahalagahan ng pagsasalaysay ng kasaysayan ng Israel?
• Anong desisyon ang kailangang gawin ng mga Israelita? Bakit mahalaga ang desisyon na ito?
• Para sayo, ano ang itsura ng paglilingkod sa Diyos?
• Ano ang natutunan mo sa libro ng Joshua?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Ano ang gusto mo at ayaw mo sa paggawa ng mga desisyon?
• Para sayo, ano ang ibig sabihin ng paglilingkod sa Panginoon?
• Kung nagpasya kang maglingkod sa Panginoon, madali ba o mahirap ang paglilingkod sa Panginoon? Paano mo ito nasabi?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Anong mga desisyon ang kinakaharap mo ngayon? Paano dapat nakakaapekto ang iyong pagkakakilala, karanasan, at relasyon kay Hesus sa iyong desisyon?
• Maglaan ng ilang minuto para alalahanin ang presensya ng Diyos sa iyong buhay. Sa anong paraan mo nais tumugon sa Diyos?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Magpasalamat sa Diyos sa Kanyang presensya sa ating buhay – hindi Niya tayo iniiwan o pinapabayaan; sa Kanyang patnubay; sa Kanyang pakikipaglaban sa mga hamon ng ating buhay; sa pagiging mapagkakatiwalaan at sa pagtupad sa Kanyang mga pangako.
• Ipagdasal ang patuloy na pagtitiwala sa ating Panginoong Diyos na may kakayahan at may kapangyarihan lalo na sa mga panahon na nababalot ng kahinaan ang ating isip at puso. Manalangin para sa patuloy na pag-asa sa Panginoon na may mga plano para sa ating kabutihan at katiyakan.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.