Ang Tanging Landas
Sa buhay, mayroong dalawang landas na ating pagpipilian: ang buhay na hiwalay sa Diyos o ang buhay na kasama ang Diyos. Itong linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Renz Raquion na tahakin ang landas na kasama at kapiling ang Diyos.
Before us are two paths: living apart from God or living a life with Him. This week, Ptr. Renz Raquion urges us to make the better choice—a life with God.
Basahin sa Bibliya
Joshua 23
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng isang payo na natanggap mo. Paano mo ito sinunod?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang mga paalala ni Joshua sa mga Israelita?
• Paano naranasan ng mga Israelita ang katapatan ng Panginoon? Bakit mahalagang alalahanin ang katapatan ng Panginoon?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Sa paanong paraan naaangkop sa iyo ang mga paalala ni Joshua sa mga Israelita? Ano ang ilan sa mga hamon sa pagsasabuhay ng mga ito sa iyong buhay?
• Paano mo naranasan ang katapatan ng Diyos sa iyong buhay? (Note to leaders: Maging sensitibo sa mga miyembro na maaaring dumaranas ng panahon ng pagdududa sa kabutihan at katapatan ng Diyos.)
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Maglaan ng ilang sandaling katahimikan upang ilista ng mga miyembro ang mga pagkakataong naranasan ang katapatan ng Diyos. Ano ang sinasabi ng mga ito tungkol sa presensya ng Diyos sa iyong buhay? Paano mo gustong tumugon sa Diyos?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Pasalamatan ang Diyos sa Kanyang pag-ibig, presensya, at katapatan
• Ipagdasal na ituon ang ating puso sa pagtugon sa Diyos sa pagsamba at pagsunod sa Kanya kahit sa mga panahong mahirap itong gawin. Kilalanin ang ating mga kahinaan at umasa sa kapangyarihan, pag-ibig, at kabutihang-loob ng Diyos.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.