Close

April 16, 2023

Tunay Na Tapat Sa Diyos

Mananatili ba tayong tapat sa Diyos kahit na walang nakakakita sa atin? Sinasalamin ba ng ating pagkilos at paguugali ang buhay ng isang tapat na mananampalataya? Itong linggo, ipinapaalala ni Ptr. Allan Rillera na upang maituring na tapat at kalugud-lugod sa mata ng Diyos, kailangan natin mamuhay nang may integridad kahit na walang nakatingin sa atin.

Are we faithful to God even when no one is around to see us? Do we live like faithful believers? This week Ptr. Allan Rillera admonishes us to live with integrity and stay true to God even when others are not watching so we can be found faithful and pleasing in His sight.


Basahin sa Bibliya

Joshua 22

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng karanasan kung saan nagkaroon ng di-pagkakaunawaan sa nasabi o sa ginawang bagay?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang naging dahilan ng di-pagkakaunawaan?
• Ano ang totoong ninanais o layunin ng dalawang panig?
• Ano ang natutunan mo mula sa talata?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Ano ang iyong saloobin sa mga taong hindi ka naiintindihan?
• Magbahagi ng karanasan kung saan ikaw ay nagkamali ng paghusga sa ibang tao?
• Para sa iyo, ano ang kahalagahan ng pagiging tapat sa Diyos?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Mayroon bang hindi pagkakaunawaan na kailangan ayusin o linawin? Mayroon ka bang nahusgahan na tao? Ano ang maaari mong gawin upang parangalan ang Diyos sa iyong mga relasyon?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos dahil Siya ay karapat-dapat sa ating pagsamba, Siya lamang ang tunay na Diyos, at Siya ang may kakayahang magkaisa at magpanumbalik ng mga relasyon.
• Manalangin para sa mga mananampalataya na magkaroon ng mga pusong nakatuon kay Hesus, sambahin ang Diyos at huwag lumayo sa Kanya, at piliin na tanggapin at mahalin ang isa’t isa.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.