Close

March 19, 2023

Pangakong Hindi Napako

Matapos ang pitong taong digmaan, nasakop rin sa wakas ng Israel ang Canaan at hinati-hati nila ang lupain na ito sa kanilang mga tribo alinsunod sa ipinangako ng Diyos. Ngayong linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Joseph Ouano na magtiwala sa katapatan at kadakilaan ng Diyos sapagkat ang Kanyang mga pangako ay tiyak na matutupad.

After seven years of war, Israel conquered Canaan and divided the land among the tribes, thus bringing God’s promise to fruition. This week, Ptr. Joseph Ouano reminds us that God’s promises always prevail and we can continue to trust in Him and rest in His faithfulness and power.


Basahin sa Bibliya

Joshua 13-21

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ano ang ilang bagay na madalas na nirereklamo ng mga tao? Sa tingin mo bakit tayo nagrereklamo?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang Joshua 13:1-7. Ano ang ipinapagawa ng Diyos kay Joshua? Bakit mahirap itong gawin?
• Basahin ang Joshua 14:6-15. Ilarawan si Caleb. Ano ang kanyang mga kalakasan?
• Ihambing ang saloobin ni Caleb sa lipi ni Joseph sa 17:14-18.
• Basahin ang Joshua 18:1-10. Bakit hindi pa natatanggap ng pitong tribo ang kanilang bahagi? (Note to leaders: Nagreklamo ang lipi ni Joseph. Nagpaliban ang pitong tribo na nagresulta sa kawalan ng pagkilos dahil nag-aalala sila sa pagiging patas ng pamamahagi ng lupa.)

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Sa anong paraan ka nagkaka-relate kay Caleb sa pagtugon sa mga pangako ng Diyos?
• Sa anong paraan ka nagkakapareho sa lipi ni Joseph sa pagtugon sa mga pangako ng Diyos?
• Sa anong paraan mo mahahalintulad ang iyong sarili sa pitong tribo sa pagtugon sa mga pangako ng Diyos?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Isipin at ibahagi ang mga saloobin at hinaing. Ano ang makakatulong sa iyo na tumugon na tulad ni Caleb? (Note to leaders: Bigyan ng pansin ang mga sagot at simulan ang susunod na pagpupulong sa pagkamusta ng bawa’t isa tungkol sa kanilang mga hinaing at kanilang tugon.)

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos sa Kanyang karunungan at plano para sa atin. Magpasalamat sa Kanyang mga pagpapala at sa pagbibigay sa atin ng ating pangangailangan.
• Ikumpisal ang mga panahong nagrereklamo tayo at hindi natin pinapahalagahan ang ibinibigay ng Diyos sa halip na sundin ang Panginoon nang buong puso at maging kontento sa Kanyang mga pagpapala.
• Manalangin para sa pusong naghihintay at tumatanggap ng mga pagpapala at pangako ng Diyos nang may pananabik, katiyakan, at pasasalamat.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.