Mission Possible!
Ang puno’t-dulo ng pagtatalakay natin sa aklat ng Romans ay ang pagkakaroon ng puso at sigla tulad ni Paul sa pagbabahagi ng Magandang Balita ng Diyos sa mga hindi pa kumikilala sa Kanya. Itong linggo, ilalahad ni Ptr. Renz Raquion kung ano ang kahulugan, importansya, at mga paraan upang magsagawa ng Missions.
Our study of the book of Romans should drive us to the same missional task and fervor that Paul had for the gentiles. This week, Ptr. Renz Raquion explains what Missions are, why they’re needed, and how we can do them.
Basahin sa Bibliya
Romans 15:14-33
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ano ang iyong ideya ng isang misyonero? (hal. Ano ang ginagawa ng isang misyonero? Paano nagiging misyonero ang isang tao? Sino ang maaaring maging misyonero?)
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang misyong binigay ni Hesus kay Paul (Pablo)?
• Paano tinupad o ginawa ni Paul ang kanyang misyon?
• Ano ang ilan sa mga pagsubok na hinarap ni Paul? Anong klase ng tulong ang kinailangan niya?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Paano nangungusap sa iyo ang talatang ito?
• Anong uri ng misyon ang binigay ng Diyos para sa iyo?
• Ano ang iyong nararamdaman/saloobin sa misyon na binigay ng Diyos sa iyo?
• Paano mo nakikita ang iyong sarili na nakikipagtulungan sa Diyos sa pagsulong ng Kanyang kaharian sa pamamagitan ng misyon na ibinigay sa iyo ng Diyos?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Ano ang kailangan mo upang magkaroon ng kumpiyansa sa pagbabahagi ng Magandang Balita ng Diyos sa pamamagitan ng misyon na ibinigay Niya sa iyo?
• Anong mga hakbang ang maaari mong gawin patungo sa pagpapatibay ng tiwala mo sa kapangyarihan ng Ebanghelyo at pagbabahagi nito? (Note to leaders: Tandaang pagtibayin at hikayatin ang bawat mananampalataya na maging instrumento ng Diyos dahil lahat tayo ay katuwang sa kaharian ng Diyos dito sa mundo)
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Ipanalangin ang mga misyonero sa buong mundo. Manalangin para sa espirituwal, emosyonal, at pisikal na proteksyon; masigasig at tapat na puso; panghihikayat mula sa Diyos at sa kapwa mananampalataya; at upang makapag-adjust sa iba’t ibang kultura at mabisang maiparating ang Magandang Balita ng Diyos.
• Ipanalangin ang ating puso para sa kaharian ng Diyos. Upang maging sensitibo sa mga pagkakataong ibahagi ang Ebanghelyo sa mga taong malapit at inilagay ng Diyos sa ating mga impluwensya. Upang ang mga puso ay nakahanay sa Diyos at upang masangkapan ang ating sarili sa salita ng Diyos at Kanyang biyaya.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.