Close

July 10, 2022

Kakampi Natin Ang Diyos: Finding Security in God Amidst Suffering

Kapag tayo at nakay Cristo na, kakampi natin ang Diyos. Ngayong linggo, ipinapaalala ni Ptr. Michael Cariño na ang pagibig ng Diyos para sa atin ay mas matindi pa sa anumang pagsubok, tukso, oposisyon, o pangamba na kakaharapin natin sa buhay.

To be in Christ is to be on God’s side. Whatever hardships we face, God will be our defender and protector. This week, Ptr. Michael Cariño preaches how God’s love for us is stronger than any struggle with temptation, condemnation, opposition, isolation, or insecurity that we may face in life.


Basahin sa Bibliya

Romans 8

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Follow up mula sa nakaraang linggo: Anong klaseng tukso ang mga kinaharap mo nitong nagdaang araw? Ano ang naging kinahinatnan nito? (Note to leader: Magalak kasama ng mga nagtagumpay sa paglayo sa tukso. Sa kabilang banda, hikayatin at bigyan ng katiyakan ang mga hindi nagtagumpay.)

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang talata. Ano ang sinabi ni Paul (Pablo) tungkol sa Espiritu?
  • Ano ang natutunan mo tungkol sa pag-ibig ng Diyos?
  • Anong pangako ng Diyos ang nais mong matandaan mula sa talatang binasa?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Para sa iyo, ano ang kabuluhan ng “walang makapaghihiwalay sa atin mula sa pag-ibig ng Diyos”?
  • Mula sa natutunan mo tungkol sa pag-ibig ng Diyos, paano mapapalakas at mapapagtitibay ang pakikipag-ugnayan mo sa Diyos?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Sa kasalukuyan, mayroon bang pagsubok na tilang mahirap mapagtagumpayan at mas malaki pa sa Diyos? Paano nangungusap ang mga talatang binasa sa mga kinakaharap mong problema?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Magpasalamat at magpapuri sa Panginoon dahil Siya ang ating Tagapagtanggol, Tagapagtustos, Tagapaghatol, Tagapag-ingat. Dahil kay Hesus, walang sinuman o anuman ang maaaring humiwalay sa atin sa Kanyang pag-ibig.
  • Manalangin para sa kalakasan na mamuhay na ayon sa pag-ibig na binibigay sa atin ng Diyos at sa pag-asang kinakaharap natin sa gitna ng tukso at kahirapan na ating pinagdadaanan.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.