Ang Gospel ay Hindi Nakabatay sa Relihiyon Kundi sa Relasyon
Makakamit lamang ang kaligtasan sa pamamagitan ng pananampalataya kay Hesus. Ngayong linggo, ipinapaalala ni Ptr. Michael Cariño na ang buhay na walang hanggan ay inaalok ng Diyos ng libre. Hindi ito nakukuha sa pagsunod sa kautusan o mga ritwal ng relihiyon.
Our salvation is not obtained from following the Law or religious rituals; it is received only through faith in Jesus Christ. This week, Ptr. Michael Cariño reminds us that God offers salvation as a free gift to all through a relationship with Him, not through religion.
Basahin sa Bibliya
Romans 2:1-29
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Magbahagi ng karanasan kung mayroon na kung saan ay naisip mong mas higit ka sa ibang tao.
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang talata. Ayon sa binasa, ano ang pananaw ng mga Judio tungkol sa kaligtasan?
- Ano ang sinasabi ni Pablo (Paul) tungkol sa basehan ng ating kaligtasan?
- Ano ang natutunan mo tungkol sa Diyos? Ano naman ang natutunan mo tungkol sa iyong sarili?
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Sa anong paraan ka nakaka-relate sa mga Judio?
- Sa pamamagitan ni Hesus, paano mababago ang ating saloobin tungkol sa kaligtasan?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Anong mga hakbang ang maaari mong gawin upang magbago ang pagtingin mo sa iyong sarili at sa ibang tao bilang mga makasalanan na iniligtas ni Hesus?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Magpasalamat sa Diyos sa Kanyang kagandahang-loob na ang ating kaligtasan ay matatagpuan kay Hesus at hindi sa ating sarili kabutihan. Dahil sa ating kasalanan, nawala ang lahat sa atin, ngunit ginawa ni Hesus ang lahat upang makuha nating muli ang lahat at higit pa.
- Ipagkumpisal ang mga panahong ginagamit natin ang sariling kakayahan upang makamit ang ating kaligtasan.
- Ipagadasal sa Espiritu na patuloy Nyang baguhin ang ating puso patungo sa Kanya at magkaroon ng tamang motibo sa paggawa ng mabuti – hindi para tayo ay maligtas kundi ibahagi ang pagmamahal ng Diyos.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.