Bakit Kailangan ng Gospel?
Kailangan natin ang Gospel dahil tayong mga tao ay nagagapos ng kasalanan at matindi ang galit ng Diyos laban sa kasalanan. Ngayong linggo, ipinapaalala ni Ptr. Michael Cariño na ang pagpapawalang-sala at pagliligtas na iniaalok ni Hesus ay ang ating tanging pag-asa sa harap ng galit ng banal na Diyos.
We need the Gospel because we are slaves to sin and a Holy God has His great wrath against all ungodliness. This week, Ptr. Michael Cariño reminds us that only forgiveness and salvation offered by our Lord Jesus Christ can spare us from God’s holy wrath.
Basahin sa Bibliya
Romans 1:18-32
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Magbahagi ng sitwasyon o bagay na nag-uudyok sayo na magalit.
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang talata. Ilarawan ang pagiging makasalanan ng tao.
- Paano ipinapakita ng Diyos ang Kanyang galit? Ano ang dahilan ng Kanyang galit?
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Ano ang pagkakapareho mo sa tao na inilarawan ni Pablo (Paul)? Ano ang itinuturo nito sa iyong pangangailangan ng Gospel?
- Magbahagi ng karanasan kung saan ikaw ay nagrebelde sa Diyos (maaaring bago o matapos kang maging mananampalataya). Ano ang naging resulta? Ano sa palagay mo ang maaari mong baguhin sa sitwasyon na iyon?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Anong mga hakbang ang maaari mong gawin upang mas maging sensitibo ka sa kalooban ng Diyos tungkol sa kasalanan? Paano ka matutulungan ng ating grupo dito? (Note to leader: Pansinin kung ano ang ibinabahagi ng mga miyembro para sa pag-follow up sa mga darating na linggo.)
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Purihin ang Diyos sa Kanyang katuwiran at banal na galit, sa pagbunyag ng Kanyang puso tungkol sa pagliligtas sa atin mula sa kasalanan. Magpasalamat dahil sa pamamagitan ni Hesus tayo ay maililigtas sa ating kasalanan at sa pagbigay sa atin ng pagkakataong pumili ng tuwid at maka-Diyos na desisyon sa ating mga kinakaharap.
- Ikumpisal ang ating pangangailangan sa Gospel at humingi ng lakas na galing sa Espiritu Santo lalo na sa mga sitwasyong nahihirapan tayong gumawa ng maka-Diyos na desisyon.
- Hilingin sa Diyos na ipaalam sa atin ang ating mga kasalanan para ito’y matalikuran natin at manumbumalik sa Diyos, at maranasan ang Kanyang pag-ibig sa pamamagitan ng Gospel.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.