Ano ba ang Gospel?
Ito ang Gospel: dahil sa pag-ibig at kagandahang loob ng Diyos sa lahat ng tao, si Kristo ay namatay at muling nabuhay upang ang sinumang sa Kanya ay manampalataya ay mapapawalang-sala, maliligtas, at mabibigyan ng walang hanggang buhay kasama ang Diyos. Samahan natin si Ptr. Michael Cariño itong linggo upang talakayin ang kahalagahan at kapangyarihan ng Gospel.
This is the Gospel: because of God’s great love and kindness towards mankind, Christ died and rose again so that whosoever believes in Him receives forgiveness, salvation, and life eternal with God. Join Ptr. Michael Cariño this week as he expounds on the significance and power of the Gospel.
Basahin sa Bibliya
Romans 1:1-17
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Magbahagi ng isang magandang balita na natanggap mo kamakailan.
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang talata. Paano ipinakilala ni Pablo (Paul) ang kanyang sarili? Ano ang dahilan ng kanyang pagsulat sa mga mananampalataya sa Roma?
- Ano ang natutunan mo tungkol sa Magandang Balita (Gospel) mula sa talatang binasa?
- Ano ang saloobin ni Pablo tungkol sa Magandang Balita?
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Ano ang pagkakapareho at pagkakaiba ng iyong saloobin sa saloobin ni Pablo tungkol sa Magandang Balita?
- Para sayo, gaano kahalaga ang Magandang Balita?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Paano mo mapapalalim ang pagunawa sa Magandang Balita?
- Sa kaugnay sa kahalagahan ng Magandang Balita, para sayo paano ka tutugon o ano ang iyong gagawin tungkol dito?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Purihin ang Diyos sa Kanyang hustisya at pagmamahal, sa Kanyang grasya, at sa Kanyang kapangyarihang isalba ang lahat ng nananampalataya sa Kanya.
- Humingi ng kapatawaran sa mga panahong iniisip nating masasalba tayo dahil sa ating sariling kabutihan at nalilimutang ginawa na ni Jesus ang lahat.
- Ipanalangin na magkaroon ng paninindigan na tulad ni Pablo na hindi kinakahiya ang Magandang Balita.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.