Close

January 2, 2022

Sino Ang Pinakamagaling?

Kung nais mong umangat, kailangan mong magpakumbaba. Samahan natin si Ptr. Mike Cariño sa unang mensahe ng 2022 at suriin kung bakit sa mata ng Diyos ang pinakamagaling ay siyang nagpapakababa, nahuhuli, at naglilingkod sa lahat.

If you want to become the greatest, you have to be the least. Join Ptr. Mike Cariño for the first message of 2022, as he explains why greatness in the eyes of God involves humility, service, and the willingness to be last.


Basahin sa Bibliya

Mark 9:33-37; 10:42-45

Questions for Reflection

1. Ano ang natutunan ko tungkol kay Hesus mula sa mensahe? Ano ang natutunan ko tungkol sa aking sarili?

2. Ano ang ibig sabihin ng pagiging isang tagapaglingkod (servant) at alipin (slave) ni Kristo?

3. Sa anong paraan ko nakikita na mas inaangat ko ang aking sarili kaysa ang Diyos?

4. Anong pag-uugali ni Kristo sa pagiging tagapaglingkod o servant ang nais kong gayahin? Paano ko ito masisimulan?

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.