Close

December 26, 2021

Yes Lord, Mag-Siserve Kami Sa’Yo!

Sa pagtatapos ng 2021, matuto tayong magbaliktanaw sa nakaraan at tumingin paitaas sa Diyos Ama habang hinahanda ang ating mga sarili para sa hinaharap. Samahan natin si Ptr. Joseph Ouano sa pagbabahagi ng mensahe tungkol sa ating Diyos na tapat magpakailanman at karapat-dapat sa ating buong pusong pagsamba at paglilingkod.

As 2021 draws to a close, let us learn to Look Back and Look Up to our Father even as we Look Forward. Let us join Ptr. Joseph Ouano in sharing the message that our God is forever faithful and worthy of our worship and service.


Basahin sa Bibliya

Joshua 24:1-28

Reflection Questions

1. Ano ang natutunan ko tungkol kay Hesus mula sa mensaheng ito? Ano ang natutunan ko tungkol sa aking sarili?

2. Sa anong mga paraan ko naranasan ang Diyos sa taong ito? Ano ang aking saloobin at pakiramdam sa Diyos sa mga karanasang ito?

3. Sa anong mga paraan ko maaaring ipahayag ang aking pananampalataya sa Diyos?

4. Sa darating na taon, inaabangan kong…

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.