Close

December 19, 2021

Pasko: Bakit Dumating si Hesus

Bakit nga ba dumating si Jesus noong unang Pasko? Pakinggan natin si Ptr. Mike Cariño habang ibinabahagi niya ang mga dahilan kung bakit pinili ng Diyos na ihayag ang Kanyang sarili bilang isang sanggol.

Why did Jesus come on that first Christmas? Listen to Ptr. Mike Cariño as he shares the reasons why God chose to reveal Himself as a babe in human form.


Basahin sa Bibliya

John 1:1-18

Reflection Questions

1. Ano ang natutunan ko tungkol kay Hesus mula sa mensahe? Ano ang natutunan ko tungkol sa aking sarili?

2. Anong attitude ko ang kailangang baguhin?

3. Sa pagmamahal at regalo ng Diyos sa pamamagitan ni Hesus, paano ako tumutugon sa Kanya?

4. Anong mga bagay o mga diyos-diyosan sa aking puso ang kailangan kong tanggalin upang mas lumalim ang aking pananampalataya at pagsunod kay Hesus?

5. Kanino ko maaaring ibahagi ang natutunan ko tungkol kay Hesus? Paano ko ito gagawin?

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.