Close

October 17, 2021

Paano Nagliligtas Ang Diyos?

Hindi makakamit sa pamamagitan ng ating pagpapakabuti, pagsanib sa relihiyon, o pagiging makadiyos ang kaligtasan ng ating mga kaluluwa. Ito ay isang regalong walang bayad na inaalok ng Diyos sa sinumang nais tumangap sa pamamagitan ng pananampalataya. Ngayong Linggo, ipinapaalala ni Ptr. Michael Cariño na si Kristo ang tanging dahilan kung bakit ang ating mga patay na kaluluwa ay maaring mailigtas at magkaroon ng panibagong espirituwal na buhay.

Salvation is not earned through our efforts to be righteous, religious, or godly; it is a free gift offered by God to anyone willing to receive it by faith. This week, Ptr. Michael Cariño reminds us that Christ is the only reason our dead souls can be saved and given new spiritual life.


Basahin sa Bibliya

Ephesians 2:1-10

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Pumili ng isa upang ibahagi sa grupo:
    • Kung paano mo alam na mahal ka ng Diyos , o
    • 1 minutong patotoo (testimony) ng iyong karanasan bago at pagkatapos mo makilala si Kristo

3. Engage the heart (15-20 mins)

  • Pagnilayan at ibahagi. Anong kasalanan ang nahihirapan tayong harapin at pagtagumpayan? Ang ang dapat na kahihinatnan natin dahil tayo ay makasalanan?

4. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang talata. Pano inilarawan ang pamumuhay ng mga taong patay dahil sa pagsuway at kasalanan (may tatlong kasagutan sa vv.2-3)? Ano ang ibig sabihin na ang mga tao ay ‘patay’?
  • Ilarawan ang pag-ibig ng Diyos ayon sa talatang ito. Ano ang Mabuting Balita?
  • Ano ang sinasabi ng talatang ito tungkol sa mabubuting gawa? Ano ang kaugnayan nito sa ating kaligtasan?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Para sa mga hindi mananampalataya: Ano ang iyong tugon sa regalong kaligtasan ng Diyos?
  • Para sa mga mananampalataya: Ano ang magpapaalala sa iyo tungkol sa ginawa ni Kristo at ano ang maari mong gawin bilang tugon sa Kanyang biyaya para sa iyo?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Humingi ng patawad sa Diyos para sa mga nagawang kasalanan, sa pagtaliwas sa Diyo, at pagsuway ng Kanyang mga utos.
  • Magpasalamat sa Diyos para sa Kanyang dakilang pag-ibig, para sa sakripisyo ni Hesus sa krus upang iligtas tayo, at para sa Kanyang biyayang magkaroon tayo ng relasyon sa Kanya at makasama Siya magpakailanman. Ang lahat ng ito ay hindi mula sa ating kakayahan, kundi tanging Kanyang biyaya.
  • Hilingin sa Diyos na tulungan tayong lumakad sa Kanyang mga pamamaraan, upang piliin na sundin Siya kahit na tayo ay sadyang mahina, upang talikdan ang dati nating mga paraan at mamuhay bilang mga bagong likha.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.