Ang Pamilyang Pinanahanan ni Kristo
Ngayong linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Joseph Ouano na anyayahang manahan si Kristo sa ating mga pamilya. Walang perpektong pamilya, ngunit kapag nananahanan si Kristo sa isang pamilya, ito ay mapupuno ng pagmamahalan, kapayapaan, at pasasalamat sa Diyos!
This week, Ptr. Joseph Ouano urges us to let Christ dwell in our families. No family is perfect, but when Christ dwells in a family, it will be filled with love, peace, and thankfulness to God!
Basahin sa Bibliya
Colossians 3:12-17
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Ilarawan ang iyong mga tungkulin sa pamilya. Ano ang gusto / hindi mo gusto tungkol dito?
3. Engage the heart (15-20 mins)
- Ano ang itinuturo ng Diyos sa iyo tungkol sa pamilya nitong mga nakaraang linggo?
4. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang Col. 3:12-17. Ilarawan ang isang pamilya na naaayon sa puso sa Diyos.
- Sa anong mga paraan mo nakikita ang mga kamay ng Diyos na gumagalaw sa iyong pamilya?
- Sa anong mga paraan mo maaring pagbutihin ang iyong sarili sa pagtupad ng iyong mga tungkulin sa pamilya?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Kumpletuhin ang pangungusap: Bilang tugon sa itinuturo sa akin ng Diyos tungkol sa pamilya, ipinapangako ko na…
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
- Ipagdasal ang ating mga pamilya. (10-15 minutes)
- Pagpapatawad sa mga nanakit sa atin. Para sa bawat miyembro ng pamilya na maging mapagpatawad.
- Pagkakaunawaan sa pagitan ng bawat miyembro ng pamilya; pagsasabuhay ng kanila-kanilang mga tungkulin mula sa Diyos para sa pamilya.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.