Pananampalataya sa Gitna ng Pagdurusa (2)
Naranasan mo na bang magtampo sa Diyos dahil sa hagupit ng buhay? Ngayong linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Michael Cariño na harapin ang anumang hinanakit, sama ng loob, o galit na ating nararamdaman sa pamamagitan ng paglapit sa Diyos. Maaari tayong magpakatotoo sa Kanya.
When the scourges of life get the better of us, do we feel sullen towards God? This week, Ptr. Michael Cariño urges us to work through any feelings of grief, resentment, and anger by drawing near to God and opening ourselves up to Him.
Basahin sa Bibliya
Job 3-7
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Naranasan mo na bang magpakatotoo sa Diyos? Ilarawan ito.
3. Engage the heart (15-20 mins)
- Pagnilayan ang isang karanasan kung kailan nakatanggap ka ng payo mula sa ibang tao. Ano dito ang nakatulong? Ano ang hindi nakatulong?
4. Engage the mind (15-20 mins)
- Ano ang payo ni Eliphaz kay Job? Anong bahagi ng sinabi niya kay Job ang sumasang-ayon ka o hindi ka sumasang-ayon?
- Paano tumugon si Job sa pagdurusa?
- Ano ang natutuhan mo tungkol sa Diyos?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Mula sa iyong natutuhan mula kay Eliphaz at tungkol sa Diyos, ano ang maaari mong gawin upang maging biyaya sa isang taong nagdurusa?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
- Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
- 21 na lugar ang nasa MECQ (karamihan ay nasa Mindanao), 26 na lugar sa ibang bahagi ng bansa ang nasa GCQ at MGCQ hanggang July 31, 2021.
- Kasalukuyang sitwasyon sa politika at darating na pambansang halalan sa 2022. Ipagdasal na maihalal ang mga pinunong maka-Diyos at may kakayahan.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.