Close

May 9, 2021

Karunungan at Kayamanan

Ngayong linggo, ipinapaalala ni Ptr. Joseph Ouano na kung ang ating kaligayahan ay nakasalalay sa kung gaano kalaki o kaliit ang ating kayamanan at pera, hindi natin lubusang mai-enjoy ang maikli nating buhay sa mundo.

The love of money does not buy happiness. This week, Ptr. Joseph warns us that when our happiness is based on the size of our wealth and fortune, we won’t truly enjoy our short life on earth.


Basahin sa Bibliya

Ecclesiastes 5:8-20

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng iyong natutunan mula sa personal devotion.
  • Ano ang iyong pinaka-pinagkakagastusan ng pera?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang talata. Ano ang mga obserbasyon ng Mangagaral ukol sa (1) taong mahilig sa pera o minamahal ang kayamanan at sa (2) manggagawa?
  • Ano ang mga obserbasyon ng Mangangaral tungkol sa (1) trabaho at sa (2)kaloob ng Diyos na bunga ng pagtatrabaho?
  • Ano ang sinasabi ng talatang ito tungkol sa pagkakaroon ng takot sa Diyos? Ano ang kahulugan nito para sa iyo?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Bakit malaki ang posibilidad na ibigin ng tao ang salapi at kayamanan?
  • Sa anong paraan mo mai-enjoy ang bunga ng pagtatrabaho?
  • Pagnilayan: Paano mo minahal ang mga biyayang mula Diyos nang mas higit pa sa Diyos na Siyang Nagbigay?
  • Para sa iyo, ano ang kaugnayan ng pagkakaroon ng takot sa Diyos sa kung paano tratuhin ng tao ang kayamanan?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Ano ang maaari mong gawin ngayong linggo upang ituon ang iyong pansin sa Diyos na nagbibigay kaysa sa Kaniyang mga biyaya?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
    • Pagtuloy na pagbaba ng mga aktibong kaso ng COVID sa darating na mga araw.
    • Mapayapang resolusyon sa hidwaan sa teritoryo ng Pilipinas at China sa West Philippine Sea.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.