Close

March 7, 2021

Ang Tunay na Relihiyoso

Gusto ba ng Diyos ng mga tagasunod na relihiyoso? Ngayong linggo, ipapaliwanag ni Ptr. Joseph Ouano na ang nais ng Diyos ay mga totoo at tapat na tagasunod na namumuhay nang ayon sa Kanyang kalooban.

Does God want religious followers? This week, Ptr. Joseph Ouano says that what God actually wants are true and faithful followers who live in obedience to His will.


Basahin sa Bibliya

Zechariah 7:1-7

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Ilarawan ang iyong karanasan ng pagsamba sa Diyos ngayong linggo.
  • Anong mga tradisyon o ritwal ang naipasa sa iyo ng iyong mga magulang?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang talata. Ano ang mensahe na ibinahagi ng Diyos sa pamamagitan ni Zechariah?
  • Ano ang alalahanin ng mga taga-Bethel? Bakit 70 taon silang nag-aayuno?
  • Paano sumagot ang Diyos? Ano ang maaari nating matutunan tungkol sa Diyos sa pamamagitan ng talatang ito?
  • Basahin ang v.7. Ano ang sinasabi ng talatang ito tungkol sa pag-uugali ng mga Israelita patungo sa Diyos?
  • Ano ang tamang motibo sa paggawa ng mga ritwal (tulad ng pag-aayuno)?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Sa kasalukuyan, anong mga ritwal ang ginagawa natin sa tuwing tayo ay sumasamba at naglilingkod sa Diyos?
  • Pagnilayan: Ano ang ating motibo sa paggawa ng mga ritwal (hal. pagbasa ng Bibliya, pag-ayuno, pagpunta sa simbahan, paglingkod sa Diyos, Sabbath)?
  • Anong mga bagay na ating nakaugalian ang naglilihis ng ating pansin mula sa Diyos?
  • Ang Diyos ay mas tumitingin sa puso kaysa sa mga ritwal na ginagawa ng sinumang sumasamba. Ano ang iyong tugon sa katotohanang ito? (Gawin itong panalangin sa pagtatapos ng sesyon)

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Ngayong linggo, ano ang maaari mong gawin upang maipag-ibayo ang sarili sa pagkakaroon ng tamang motibo at ugali sa pagsamba sa Panginoon?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
    • Epektibo at nakakaengganyong mga solusyon para sa edukasyon ngayong New Normal
    • Pagbalik sa Pilipinas ng mga OFW; pagsisikap ng pamahalaan na maiuwi sa kani-kanilang mga bayan ang mga na-stranded sa Maynila at iba pang mga lungsod.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.