Close

February 21, 2021

Ang Pangwakas na Tagpo

Ang paghuhukom ng Diyos ay hindi lamang nagpaparusa kundi nagwawasto. Sa mensaheng ito, hinihikayat tayo ni Ptr. Joseph Ouano na manumbalik sa Diyos at kilalanin Siya bilang Panginoon, sapagkat nakikita Niya ang lahat at ang Kanyang hustisya ay maipamamalas sa buong mundo hanggang sa ganap na matupad ang Kanyang kalooban.

God’s judgment not only punishes but also sets things right. In this message, Ptr. Joseph Ouano urges us to repent and acknowledge God as our Lord, for He sees all and His justice will be carried out until His will is fully accomplished.


Basahin sa Bibliya

Zechariah 6:1-8

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Anong parte ng mensahe ang pinakatumatak sa iyo?
  • Accountability Question: Kumusta ang iyong Sabbath o araw ng pahinga?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang talata. Ano ang pangitaing nakita ni Zechariah?
  • Sa anong paraan ito katulad sa unang pangitain ni Zechariah? Sa anong paraan naman ito naiiba mula sa unang pangitain?
  • Pansinin ang mga salitang “buong lupa”. Ano ang ipinahihiwatig nito?
  • Ano ang matututunan natin tungkol sa Diyos mula sa talatang ito?
  • Paano mo maiuugnay ang talatang ito sa pagpapatupad ng paghuhukom ng Diyos sapamamagitan ni Cristo?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Para sa iyo, ano ang kabuluhan ng ‘apat na espiritu ng kalangitan na pumaparoo’t parito’?
  • Ngayong batid na natin ang paghuhukom ng Diyos, sa paanong paraan ito nakakaapekto sa iyong buhay o sa pananaw mo tungkol sa eternidad?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Anong mga hakbang ang maaari mong gawin sa linggong ito bilang tugon sa paghuhukom ng Diyos sapamamagitan ni Cristo?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
    • Politikal na kalagayan ng bansa para sa halalan ng 2022
    • Karunungan at patnubay sa mga pinuno ng pamahalaan sa pagkuha at pagbigay ng mga bakuna.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.