Close

October 11, 2020

Kung Mali Ang Iyong Pagsamba Sa Diyos

Tuwing ang ating paglilingkod sa Diyos ay nagmumula sa maling puso, masamang ugali, at maruming buhay, tila mga ‘bulok na regalo’ ang ating handog sa Kanya. Sa mensheng ito, tayo ay hinihikayat ni Ptr. Michael Cariño na buong-pusong ialay ang ating pinakamataas na uri ng pagsamba sa Panginoon.

When we serve the Lord with the wrong motives, a poor attitude, and an unclean lifestyle, it is as if our offerings to him are rotten or spoiled. In this message, Ptr. Michael Cariño urges us to offer to the Lord our purest and highest form of worship.


Basahin sa Bibliya

Malachi 1:6-14

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng iyong natutunan mula sa personal devotion.
  • Anong materyal na regalong natanggap mo ang pinakagusto o pinaka-ayaw mo? Bakit mo ito itinuturing na pinakagusto o pinaka-ayaw mo?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Paano nilapastangan ng mga Israelita ang Diyos sa mga inaalay nila? Bakit mga hayop na walang sakit ang nais ng Diyos bilang sakripisyo?
  • Anong klaseng pagsamba ang nakalulugod sa Diyos?
  • Ano ang ibig sabihin ng paglilingkod sa Diyos nang buong puso? Ano ang nararamdaman ng Diyos sa tuwing tayo ay naghahandog ng maling sakripisyo?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Sa tingin mo, sa aling bahagi ng iyong buhay hindi nagiging una ang Diyos?
  • Ano ang mga humahadlang sa iyo na buong pusong maglingkod sa Diyos?
  • May pagkakataon ba na ang paglilingkod mo sa Diyos ay naaayon sa iyong sariling paraan at hindi sa paraan ng Diyos? Paano?
  • Pagnilayan: Sa tuwing ikaw ay sumasamba sa Diyos, nagkakaroon ba ng mga pagkakataon na nahahati ang iyong atensyon?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Ngayong linggo, paano mo gagawing una ang Diyos?
  • Ngayong linggo, paano mo maaring purihin at galangin ang Diyos?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
    • Patuloy na pagsisiyasat sa mga katiwalian sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno – Bureau of Immigration, Philhealth, atbp.
    • Para sa mga mga mag-aaral, guro, at mga magulang sa gitna ng mga hamon ng online learning ngayong panahon ng COVID-19.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.