Close

October 4, 2020

Kung Nawala Ang Iyong Pag-ibig sa Diyos

Noong panahon ni Malachi, tinalikuran ng bansang Israel ang Diyos at pinagdudahan ang Kanyang pagmamahal dahil sa hirap ng kanilang kalagayan. Ngayong linggo, ipapakita sa atin ni Ptr. Mike Cariño na ang Diyos ay nananatiling tapat at nagmamahal sa kabila ng paglayo, pagkalimot, at pagtalikod ng mga tao. Tulad ng kanyang panawagan sa mga Israelites, tinatawag tayo ng Diyos ngayon na magbalik-loob sa Kanya—mahalin, galangin, sambahin at pagkatiwalaan Siya.

In Malachi’s time, the people of Israel refused to take responsibility for their sins and struggled to believe that God loved them in the midst of their bad circumstances. This week, Ptr. Mike Cariño shows us how God’s love remained faithful and steadfast even as they ignored and questioned Him. As He did with the people of Israel, God today invites us to turn back, love, honor, worship, and trust Him.


Basahin sa Bibliya

Malachi 1:1-5

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng iyong natutunan mula sa personal devotion.
  • Magbahagi ng karanasan kamakailan na naramdaman mong may nagmamahal sa ’yo.

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Ano ang ibig sabihin ng Diyos nang sabihin Niyang, “Iniibig ko na kayo noong una pa man,”? Bakit nagkaroon ng agam-agam ang mga Israelita ukol sa pagmamahal ng Diyos?
  • Bakit hindi karapat-dapat si Jacob na mapili ng Diyos? Gayunpaman, bakit si Jacob ang pinili ng Diyos at hindi si Esau?
  • Paano pinaalala ng Diyos ang Kaniyang pagmamahal sa Israel?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Ano ang pagkakapareho natin sa mga Israelites?
  • Bakit makabuluhan para sa iyo na ikaw ay pinili ng Diyos?
  • Nagkaroon ka na ba ng karanasan na kung saan ikaw ay binigo ng Diyos? Maari mo bang ibahagi ito?
  • Paano ipinakita ng Diyos ang Kaniyang pagmamahal sa iyo? Para sa iyo, ano ang ibig sabihin na mahal ka ng Diyos? (Basahin ang Romans 5:8).

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Ano ang misyon ng Diyos? Paano ka makikibahagi sa misyon na ito ng Diyos?
  • Paano mo maisasabuhay ang pagmamahal ng Diyos para sa iyo?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Ipagdasal ang ating bansa. (10-15 minutes)
    • Ayon sa World Bank, ang Covid-19 ay magiging sanhi ng pagbagsak ng ekonomiya at mas lalaganap ang kahirapan.
    • Karagdagang kita para sa bansa sa darating na 2021-2022 upang mabayaran ang mga pagkakautang na dahil sa Covid-19.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.