Close

August 9, 2020

Samuel: Buhay na Inilaan sa Paglilingkod sa Panginoon

Mula pagkabata, isinabuhay ni Samuel ang tawag ng Panginoon sa kanya. Ang buong buhay niya ay makikitang inilaan at ganap na itinuon sa paglilinkod sa Panginoon. Sa mensaheng ito, inaanyayahan tayo ni Ptr. Joseph Ouano na tuklasin ang mga aral mula sa isang buhay na buong pusong naglilingkod at lubusang sumusunod sa Diyos.

From his childhood, Samuel lived according to the Lord’s calling. His entire life can be seen as one that is fully devoted to serving the Lord. In this message, Ptr. Joseph Ouano uncovers lessons from a life that wholeheartedly serves and obeys the Lord.


Basahin sa Bibliya

1 Samuel 1-12, 15:22-23

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

Magbahagi ng inyong natutunan mula sa personal devotion.

Nagkaroon ka na ba ng karanasan na kung saan nabago ang iyong buhay? Paano mo ito hinarap?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Paano tumugon si Samuel sa tawag ng Panginoon? Bakit mahalaga ang ating pagsunod sa Diyos upang malampasan ang mga hamon sa buhay?
  • Bakit mahalaga ang pagdarasal upang malampasan natin ang mga hamon sa buhay?
  • Sa anong mga pagkakataon nanalangin si Samuel sa Diyos? Ano ang ibig sabihin ng mga panalangin na ito? (Unang panalangin sa 1Sam. 7:5-9; Pangalawang panalangin sa 1Sam. 8:6, 19-22; Pangatlong panalangin sa 1Sam. 12:16-19, 12:23). Bakit mahalaga na ating ipagdasal ang ibang tao?
  • Paano pinaglingkuran ni Samuel ang Panginoon nang buong puso?
  • Paano sinunod ni Samuel ang Panginoon nang lubusan?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Ano ang tawag/misyon ng Panginoon sa iyong buhay? Tinutugunan mo ba ito nang kusa o marahil ito’y iyong tinatakasan?
  • Ang Panginoon ba ang tangi nating pinaglilingkuran o may kaagaw Siya sa puso natin? Ano ang mga idolo sa ating buhay na naglalayo sa atin sa paglilingkod sa Panginoon?
  • Ang mga buhay ba natin ay makikitaan ng pagtalima o pagsunod sa Diyos? Sinusunod ba natin Siya kahit nasa mahirap na sitwasyon tayo?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Anong katangian ni Samuel ang gusto mong gayahin o palaguin sa iyong buhay? Paano mo ito gagawin?
  • Paano mo susundin ang Panginoon nang lubusan at buong puso?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at alalahanin ng bawat isa.
  • Ipagdasal ang ating bansa.
    • Karunungan, lakas, proteksyon, at pahinga para sa mga frontliners
    • Epekto ng MECQ sa mga negosyo at sa ating ekonomiya

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.