Close

May 17, 2026

Ang Pagkabuhay Ni Christ: From Graveyard to Glory

Ang Pagkabuhay Ni Christ: From Graveyard to Glory

Nawalan ng pag-asa ang mga disipulo nang pumanaw si Hesus, ngunit nagbago ang kanilang pananaw matapos matuklasang walang laman ang libingan nang sumapit ang umaga ng Araw ng Muling Pagkabuhay. Ngayong Linggo, ibabahagi ni Rev. Mike Cariño ang tungkol sa kapangyarihang hatid ng Muling Pagkabuhay ni Hesus at ang pag-asa na nasa kabila ng libingan.

Jesus’ disciples lost hope when He died, but their outlook changed when they discovered the empty tomb on the morning of Resurrection Day. This Sunday, Rev. Mike Cariño shares the transformative power of Jesus’ Resurrection and the hope that lies beyond the grave.


Basahin sa Bibliya

Mark 16:1-8

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi isang malaking bato o struggle na feeling mo imposibleng maalis noon, pero nakita mong tinulungan ka ng Diyos na malampasan ito. Ano ang nakatulong sayo para makita ang pagkilos ng Diyos sa gitna ng struggle mo?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang talata. Ano ang kabuluhan ng resurrection ni Christ sa kasalanan, kamatayan, at pag-asa natin?
  • Paano nabago ng resurrection ni Jesus ang mga dating takot na disciples?

4. Examine the heart (15-20 mins)

  • Ano yung mga “madidilim na libingan” sa buhay mo ngayon kung saan kailangan mong maranasan ang kapangyarihan ni Jesus?
  • May mga pagkakataon ba na nakakaramdam ka ng guilt, shame, o failure tulad ni Peter? Paano nito naaapektuhan ang relationship mo kay Jesus?

5. Empower the hands (15-20 mins)

  • Ano ang kadalasang dahilan kung bakit nawawalan ka ng lakas ng loob sa pagsunod at pag-share tungkol kay Jesus? Paano ka pwedeng mamuhay nang may pag-asa at lakas ng loob dahil muling nabuhay si Christ?
  • Paano mo maipapakita sa actions mo na binago ka nga ni Jesus?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Purihin at pasalamatan ang Diyos Ama dahil si Jesus Christ ay tunay na muling nabuhay at nagtagumpay laban sa kasalanan, kamatayan, at kapangyarihan ni Satan. Magpasalamat dahil kahit sa gitna ng sakit, kalungkutan, at mga mabibigat na pinapasan natin, patuloy na kumikilos ang Diyos para sa ikabubuti natin. Pasalamatan Siya dahil hindi Niya tayo iniiwan sa ating mga “libingan” ng takot, guilt, shame, o kawalan ng pag-asa, kundi binibigyan tayo ng bagong buhay at bagong pag-asa kay Christ.
  • Magsisi sa mga panahon na mas pinili mong manatili sa takot, duda, o kawalan ng pag-asa kaysa magtiwala sa kapangyarihan ng muling nabuhay na si Jesus. Humingi ng tawad sa mga pagkakataon na hinayaan mong kontrolin ka ng guilt, shame, o failures mo kaya naging mahina ang pagsunod at pagpapatotoo mo kay Christ. Magsisi rin sa mga panahon na nawalan ka ng gana sa relationship mo sa Panginoon. Ipanalangin na palitan ng Diyos ang takot mo ng pananampalataya, ang pagdududa mo ng pag-asa, at ang katahimikan mo ng kalakasan ng loob para mamuhay at magpatotoo para kay Jesus.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.