Stand Firm: Huwag Mong I-Deny Si Jesus—His Love Won’t Let You Go

Malamang nakaramdam ng pagkabigo si Peter matapos niyang ikaila si Kristo, dahil sa kanyang katigasan ng ulo at sobrang tiwala sa sarili na nagdulot ng kanyang pagbagsak. Ngayong Linggo, ipinapaalala ni Pastor Allan Rillera na ang pag-ibig ng Diyos ay walang katapusan. Huwag nating hayaang pigilan ng anumang takot o kabiguan ang ating paglapit at pagbalik kay Kristo.
Peter must have felt like a complete failure after he denied Christ, for his stubbornness and overconfidence led to his downfall. This Sunday, Pastor Allan Rillera reminds us that God’s love is unrelenting. Let us not allow our fears or failures to keep us from returning to Christ.
Basahin sa Bibliya
Mark 14:66-72
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Kapag nakararanas ka ng stress o pagod, ano/sino ang kadalasan mong takbuhan?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang talata. Ano ang nangyari kay Peter mula sa kanyang matapang na pahayag (vv. 27-31) hanggang sa kanyang pagtanggi kay Jesus (vv. 66-72)?
- Ano ang naging tugon ni Peter matapos niyang ma-realize ang kanyang ginawa?
4. Examine the heart (15-20 mins)
- Sa anong mga sitwasyon ka madaling makaramdam ng matakot at posibleng ikaila si Jesus (sa salita man o sa gawa)? Bakit kaya?
- Anong mga maliliit na kompromiso/pagtataksil sa Diyos ang nangyayari sa buhay mo ngayon at unti-unting nagiging katanggap-tanggap na?
5. Empower the hands (15-20 mins)
- Ano ang isang konkretong hakbang na pwede mong gawin para mas maging matatag ka sa faith mo kahit may pressure o takot?
- Paano mo puputulin ang cycle ng maliliit na kompromiso sa buhay mo simula ngayong linggo?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Purihin ang Panginoon dahil sa Kanyang walang sawang pag-ibig at habag na hindi nagmamaliw kahit tayo ay nagkakamali. Pasalamatan Siya dahil hindi Niya tayo pinapabayaan kahit tayo ay nadadapa o natatakot, at patuloy Niyang hinahanap at ibinabalik tayo sa Kanya. Magalak dahil ang Kanyang pagmamahal ay mas malaki kaysa sa ating kahinaan, at Siya ang nagbibigay ng panibagong lakas at layunin sa iyong buhay.
- Magsisi sa mga pagkakataong pinairal mo ang takot kaysa sa pananampalataya at sa mga sandaling ikinaila mo si Jesus sa iyong salita o gawa. Humingi ng kapatawaran sa mga maliliit na kompromisong hinayaan mong lumalim at magpalayo ng iyong puso sa Kanya. Ipanalangin mo na magkaroon ka ng tapang na manindigan para kay Jesus at pusong handang magsisi at bumalik agad sa Kanya, nagtitiwala na ang Kanyang habag ay sapat upang ikaw ay muling ibalik at patatagin.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.
