Ang Pagiging Tapat Ni Christ Even When Everyone Failed Him

Nanatiling nakatuon si Hesus sa Kanyang misyon sa krus kahit napapaligiran Siya ng mga taong magtataksil at magtatakwil sa Kanya. Ngayong Linggo, ibabahagi ni Rev. Mike Cariño kung paano nagdala ng pag-asa at kaligtasan ang dakilang pag-ibig at katapatan ni Kristo sa mundong nakalaan sa kamatayan at pagkawasak.
Despite being surrounded by those who would betray and deny Him, Jesus remained focused on His mission to the cross. This Sunday, Rev. Mike Cariño shares how Christ’s great love and faithfulness brought hope and salvation to a world condemned to death and destruction.
Basahin sa Bibliya
Mark 14:43-65
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Ibahagi ang karanasan na pinanindigan mo ang isang bagay kahit hindi ka suportado ng iba. Anong ginawa mo at ano ang nangyari?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang talata. Ano ang naging response ng disciples nung dumating ang pressure at takot? Bakit kaya naging ganito ang kanilang pagtugon?
- Paano ipinakita ni Jesus ang courage at katapatan sa gitna ng maling akusasyon at paghihirap?
4. Examine the heart (15-20 mins)
- Anong bahagi ng iyong buhay ang nagpapakita ng false devotion, na maayos sa panlabas pero hindi pala naaayon sa Diyos ang iyong puso?
- Kapag nagiging mahirap o costly ang pagsunod kay Jesus, paano ka kadalasang tumutugon—manatili o tumatakbo papalayo? Bakit kaya?
5. Empower the hands (15-20 mins)
- Anong bahagi ng iyong buhay ang nais mong i-ayon ang iyong pagkilos sa iyong pananampalataya kay Jesus? Paano mo ito uumpisahan?
- Sino ang isang tao na pwede mong i-encourage na manatiling tapat kay Jesus kahit nahihirapan siya?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Purihin si Jesus sa Kanyang pagiging tapat kahit Siya ay pinagtaksilan, iniwan, at inusig. Pasalamatan Siya dahil hindi Siya umatras sa Kanyang misyon, kundi pinili Niyang magtiis para makamit natin ang kaligtasan. Ipagdiwang na kahit nagkakamali ka at nagkukulang, nananatili Siyang tapat at hindi ka Niya iniiwan. Pasalamatan Siya dahil Siya ang perpektong halimbawa ng obedience, courage, at faithfulness.
- Magsisi sa mga pagkakataon na ang devotion mo kay Jesus ay hanggang salita lang pero hindi nakikita sa actions mo. Humingi ng tawad sa mga pagkakataon na umatras ka, natakot, o hindi ka nanindigan para sa Kanya kapag nahaharap sa mga pagsubok at paghihirap. I-confess mo ang mga panahon na pinili mong manahimik dahil sa takot kaysa ipahayag ang katotohanan. Ipanalangin na tulungan ka ng Diyos na maging tapat, manatili sa Kanya, at magkaroon ng lakas ng loob na sumunod kahit may mga sakripisyo.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.
