Close

March 15, 2026

Ang Pagtugon Kay Christ: Three Heart Responses

Iba-iba ang tugon ng mga tao kay Kristo. May ibang nagagalit at may nagpapakita ng pagkukunwari. Ngunit ang tunay na sumasamba sa Kanya ay nagpaparangal sa Kanya nang buong puso. Ngayong Linggo, ito ang tanong ni Rev. Mike Cariño: “Paano tayo tumutugon kay Kristo?” Nilalabanan ba natin Siya, tinatalikuran, o pinipili nating sumunod sa Kanya?

People respond to Christ in different ways. Some react with anger, while others show hypocrisy. But those who truly worship Him honor Him with their whole hearts. This Sunday, Rev. Mike Cariño asks: “How do we respond to Christ?” Do we resist Him, turn away from Him, or choose to follow Him?


Basahin sa Bibliya

Mark 14:1-11

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Share about a time na may ginawa kang sacrifice (oras, pera, effort) dahil mahalaga sa iyo ang isang tao o bagay. Bakit mo iyon ginawa?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang talata. Paano in-explain ni Jesus na ang ginawa ni Mary ay isang “beautiful thing”? Ano ang ipinapakita nito tungkol sa tunay na value ng ginagawa para sa Panginoon?
  • Ano ang ginawa ni Judas at ano ang ipinapakita nito tungkol sa laman ng kanyang puso?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Ano ang mga possible kahinaan mo (success, recognition, comfort, money, control) na pwedeng maglayo sa iyo sa wholehearted devotion kay Jesus?
  • May mga pagkakataon ba na dini-delay mo ang pagsunod kay God dahil mahirap o may cost? Ano ang sinasabi nito tungkol sa gaano mo vinavalue si Jesus? Nakikita ba ito sa mga priorities at decisions mo?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Paano mo mas ma-e-express ang love mo kay Jesus sa linggong ito (worship, service, generosity, o obedience)?
  • May bagay ba na mahalaga sa iyo (oras, pera, comfort, opportunity) na maaaring hinihingi ni God na i-offer mo sa Kanya? Paano mo ito sisimulang isurrender?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Purihin ang Ama sa Langit dahil pinuno Niya ang ating mga puso ng pag-ibig na ipinakita Niya kay Jesus. Pasalamatan Siya sa kagandahan ng Kanyang biyaya at sa sakripisyong ginawa ni Jesus sa krus para sa ating mga kasalanan. Magpasalamat na sa pamamagitan ni Christ, tinatawag Niya tayong mamuhay para sa mga bagay na may eternal na halaga. Ipagdiwang na binibigyan Niya tayo ng pagkakataong ipakita ang ating pagmamahal sa Kanya sa pamamagitan ng ating buhay at pagsunod.
  • Magsisi sa mga pagkakataong napuno ang puso mo ng ibang bagay kaysa kay Jesus—maaaring power, pera, comfort, o recognition. Humingi ng kapatawaran sa mga panahong mas pinahalagahan mo ang mga ito kaysa sa Panginoon. Ipanalangin na baguhin ng Diyos ang iyong puso upang mapuno ito ng tunay na pag-ibig kay Christ, upang makasunod ka agad sa Kanya at maialay ang iyong buhay bilang isang magandang handog para sa Kanya.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.