Anak
Ilang araw bago Siya ipinako sa krus, ipinahayag ni Hesus na Siya ang Anak ng Diyos at ipinaliwanag kung ano ang kahulugan ng tunay na pananampalataya sa Kanya. Ngayong Linggo, ibinabahagi ni Pastor Renz Raquion na isinasabuhay ng mga tunay na tagapagsunod ng perpektong Guro ang kanilang pananampalataya sa pamamagitan ng taos-puso at mapagsakripisyong paglilingkod, sa halip na maghangad ng pansariling kapakinabangan.
In the days before His crucifixion, Jesus revealed Himself as the Son of God and explained what true faith in Him entails. This Sunday, Ptr. Renz Raquion shares that those who follow the perfect Master live out their faith through genuine and sacrificial service, rather than selfish fulfillment.
Basahin sa Bibliya
Mark 12:35-44
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- Magbahagi ng isang pagkakataon na nagbigay ka ng isang bagay na talagang nagdulot sa iyo ng sakripisyo (sa oras, pera, comfort, o pride). Ano ang nagtulak sa iyo na patuloy na magbigay?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang talata. Bakit tinanong ni Jesus ang tungkol sa pagtawag ni David sa Messiah na “Panginoon”? Ano ang inilalahad nito tungkol sa kung sino si Jesus?
- Anong babala ang binigay ni Jesus sa mga tao tungkol sa mga teachers ng Law? Bakit ito mahalaga para sa atin ngayon?
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Be honest: Mas inaasam mo ba ang pagkilala ng mga tao sa iyo, ang purihin ka ng tao, at mga VIP na pwesto? Paano ka tumutugon sa mga sitwasyon na hindi ka napapansin o napapahalagahan?
- Kung oobserbahan ka ni Jesus sa iyong offering (ng itong oras, serbisyo, devotion), who ang makikita Nya sa iyong puso bilang Kanyang anak?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- Paano mo magagawang mamuhay nang may pasasalamat at katapatan bilang anak ng Ama sa pang-araw-araw na gagawin mo ngayong linggo?
- Ano ang isang sakripisyong pagsunod (costly act of obedience) na ipinapagawa sayo ng Diyos—kahit pa hindi ka komportable dito o kaya ay hindi ito mapapansin ng tao?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Purihin ang Ama sa langit sa pagpapadala ng Kanyang Perpektong Anak—ang tunay na Anak na ating Panginoon at Tagapagligtas. Magpasalamat dahil hindi nag-atubili si Jesus na ibigay ang Kanyang mismong buhay sa krus para sa atin. Magalak tayo dahil tinawag tayong mga anak ng Diyos—hindi dahil sa ating sariling galing, kundi dahil sa ginawa ni Jesus. Magpasalamat dahil nakikita Nya kahit pa ang smallest acts of faith natin, at nalulugod Sya sa pusong lubos na nagtitiwala sa Kanya.
- Humingi ng kapatawaran sa mga pagkakataong hindi mo kinilala bilang Panginoon si Jesus, at sa pag-asa sa sariling lakas at diskarte imbes na isuko sa Diyos. Humingi ng kapatawaran sa mga sandaling naging makasarili ang iyong pagsamba, nang naghangad ng papuri mula sa tao, o nang nag-alangan kang ibigay ang iyong kabuoan sa Kanya. Ipanalangin na palambutin ng Diyos ang iyong puso, alisin ang pagiging mapagmataas, at turuan kang magtiwala sa Diyos nang buong-buo—kahit pa ang pagsunod sa Kanya ay nangangahulugan ng pagsasakripisyo.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.
