Close

August 17, 2025

Ang Puso Ni Christ Para Sa Mga Tao

Ipinakita ni Hesus ang Kanyang habag at pagmamahal sa pamamagitan ng paglilingkod sa lahat nang walang pagbubukod o kundisyon. Ngayong Linggo, ipinaalala sa atin ni Rev. Mike Cariño na naipapakita natin ang puso ni Hesus sa pagkilala sa Kanyang habag, pag-alala sa Kanyang katapatan, pagtugon sa Kanya nang may pananampalataya, at pag-asa sa Kanyang kasapatan.

Jesus showed compassion and love when He ministered without exclusion or condition. This Sunday, Rev. Mike Cariño reminds us that we show the heart of Jesus when we recognize His compassion, remember His faithfulness, respond to Him in faith, and rely on His sufficiency.


Basahin sa Bibliya

Mark 8:1-10

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magshare ng isang karanasan na nakatanggap ka ng tulong o malasakit nang hindi mo inaasahan. Ano ang nangyari? Paano ito nakaapekto sa inyong relationship?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang dahilan kung bakit nakalimutan ng mga disciples ang katapatan ni Jesus, kahit nakita na nila ang Kanyang miracles sa Mark 6?
• Ano ang ibig sabihin na si Jesus ay sapat para sa lahat at walang excluded sa Kanyang biyaya?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Kapag may nakikita kang nangangailangan (pisikal, emosyonal, o espiritwal), ano ang unang pumapasok sa isip mo: tulungan o umiwas? Saan nanggagaling ang ganitong pagtugon?
• Madalas mo bang maalala ang mga ginawa ng Diyos sa buhay mo, o mas nauuna mong makita ang kakulangan mo? Bakit kaya?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Ano ang “kakaunting meron ka” na pwede mong ialay kay Jesus para gamitin Nya sa mas malaking paraan?
• Sino ang isang tao o grupo na pwede mong ipakita ang malasakit ni Jesus ngayong linggo? Paano mo ito gagawin?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin at pasalamatan ang Ama sa pagpapakita ng puso ni Jesus na may malasakit at pagmamahal para sa lahat—walang pinipili, walang excluded. Magpasalamat na Sya ay tapat noon, ngayon, at magpakailanman. Magalak dahil si Jesus ang Tinapay ng Buhay na patuloy na sumasapat sa lahat ng ating pangangailangan.
• Pagsisihan ang mga panahon na hindi mo pinansin o tinulungan ang mga taong nangangailangan dahil mas nakita mo ang limitasyon mo kaysa sa kapangyarihan ni Jesus. Humingi ng tawad sa mga pagkakataong nakalimutan mo ang mga ginawa ng Diyos dati na nagpapakita ng Kanyang katapatan. Idalangin na palambutin Nya ang puso mo para magtiwala at umasa palagi sa Kanyang kasapatan.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.