Close

August 10, 2025

Mahusay at Karapat-dapat Sa Ating Worship

Ipinadama ni Hesus ang Kanyang habag at kakayahang magpagaling sa lahat, mayaman man o mahirap, bilang patunay na ang Kaharian ng Diyos ay para sa bawat isa. Ngayong Linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Joseph Ouano na manalangin sa Diyos na buksan ang ating mga puso upang tunay natin Siyang marinig, at nang sa gayon ay makatugon tayo sa Kanyang tawag nang may pagtitiwala, pagsunod, at pagsamba.

Jesus extends His compassion and healing to everyone, whether rich or poor, showing us that the Kingdom of God is for all. This Sunday, Ptr. Joseph Ouano encourages us to ask God to open our hearts so we can truly hear Him, allowing us to respond with trust, obedience, and worship.


Basahin sa Bibliya

Mark 7:31-37

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magisip at ibahagi ang isang tao na naglalaan ng oras at malasakit para sa iyo kahit busy siya. Paano ito nakakaapekto sayo at sa inyong relasyon?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Bakit mahalagang makita na si Jesus ay nagpapagaling nang may personal na malasakit at hindi lang basta nagpapakita ng kapangyarihan?
• Ano ang ipinapakita ng reaksyon ng mga tao (na ipinagsabi ang himala kahit pinagbabawalan) tungkol sa kanilang pagkakaunawa kay Jesus?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Sa anong parte ng buhay mo ang nahihirapang kang magtiwala sa kaparaanan ng Diyos lalo na kapag hindi mo ito naiintindihan?
• Anong mga utos ng Diyos ang alam mo pero nahihirapan ka pa ring sundin? Ano ang humihikayat at humahadlang sa iyo?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Anong hakbang ang gagawin mo para maging mas sensitibo ka sa boses ng Diyos araw-araw?
• Paano ka tutugon nang may pagtitiwala at pagsunod sa Diyos kahit hindi malinaw sa iyo ang lahat ng detalye?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Panginoon dahil Siya ay mahusay at karapat-dapat na ating sambahin. Magpasalamat dahil hindi Siya namimili ng tao at iniimbitahan Niya ang lahat sa Kanyang kaharian. Pasalamatan Siya para sa personal at mahabaging paraan ng pagpapagaling—na hindi lang sa pisikal kungdi Pati ang ating puso at kaluluwa. Purihin Siya dahil patuloy Niyang binubuksan ang ating tainga at puso upang marinig at sundin Siya.
• Pagsisihan ang mga oras na hindi ka nagtiwala sa Kanya dahil hindi mo naintindihan ang Kanyang kaparaanan. Humingi ng kapatawaran sa mga pagkakataong nakinig ka pero hindi mo Siya sinunod, at sa mga sandaling naging sarado ang tainga at puso mo sa Kanyang boses. Ipagdasal na maging malinis ang iyong puso at tumugon nang may buong pagtitiwala at pagsunod sa Kanya araw-araw.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.