Ang Pagtawag Ni Christ Sa Mga Sinners at Ang Kanyang Grace
Hatid ng Mabuting Balita ni Hesus ang mensahe ng biyaya’t awa para sa lahat ng makasalanan. Bukas ito para sa lahat at walang itinatangi. Sa linggong ito, ibinabahagi ni Rev. Mike Cariño na inaanyayahan ni Kristo ang lahat na sumunod sa Kanya. Tinatawag Niya tayong lahat—bagamat makasalanan—upang maging Kanyang kaibigan at makamtan ang kaligtasang tanging sa Kanya matatagpuan.
The Good News of Jesus is a message of grace and mercy for all sinners, without exceptions. This week, Rev. Mike Cariño shares that Christ’s invitation to follow Him is extended to everyone, calling all sinners to become His friends and find salvation only in Him.
Basahin sa Bibliya
Mark 2:13-17
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Naranasan mo na bang magkamali ng paghusga sa isang tao, at sa huli ay napagtanto mo na iba sila sa inaakala mo? Ano ang natutunan mo sa karanasang iyon?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang sinasabi sa atin ng pagpayag ni Jesus na kumain kasama ng mga tax collector at mga makasalanan tungkol sa Kanyang misyon at karakter?
• Paano tinukoy ng mga Pharisee ang righteousness, at paano ito naiiba sa ibig sabihin ni Jesus?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Naramdaman mo na bang hindi karapat-dapat na mahalin at maligtas dahil sa iyong mga naging kasalanan? Paano hinahamon ng talatang ito ang paniniwalang iyon?
• Para sayo, si Jesus ba ay isang tagahatol o bilang isang kaibigan na tumatanggap sa mga makasalanan? Paano nakakaapekto ang iyong sagot sa iyong ugnayan sa Kanya?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Kung minsan ba ay kumikilos ka tulad ng mga Pharisee, na feel mo ay mas mabuti ka kaysa sa iba dahil sa iyong relihiyon o mabuting gawain? Sa anong mga paraan kailangan mong lumago sa pagpapakumbaba?
• Iniiwasan mo ba ang mga makasalanan imbes na ituro sila kay Kristo? Anong pagkilos ang maaari mong gawin upang maipakita ang puso ni Jesus sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan sa isang taong makasalanan?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Panginoon para sa Kanyang kabutihang loob at awa na iniimbitahan ang mga makasalanan sa Kanya. Magpasalamat sa Kanyang pagmamahal sa atin sa kabila ng ating mga kasalanan at sa pag-imbita sa atin na maging kaibigan Nya at makaraoon ng kaligtasan. Magalak dahil sa pamamagitan ni Kristo tayo ay tinanggap, pinatawad, at binago—hindi dahil sa ating nagawa kundi dahil sa Kanyang dakilang pag-ibig.
• Magsisi sa mga panahong nag-alinlangan ka sa kabutihang loob ng Diyos at sa panahong naniwalang higit na malaki ang iyong mga kasalanan kesa sa Kanyang kapatawaran. Humingi ng kapatawaran para sa mga sandali ng pagiging self-righteous at minaliit ang iba imbes na ipakita ang pag-ibig ni Kristo. Manalangin para sa isang pusong tinatanggap ang mga makasalanan gaya ng pagtanggap ni Jesus, na ipakita sa kanila ang parehong kabutihang loob at awa na iyong natanggap mula kay Jesus.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.