Close

February 12, 2023

Usapang MaSINsinan

Natutunan ng Israel kung gaano nakakapahamak ang mga lihim na kasalanan mula sa kanilang pagkabigo sa pagsalakay sa Ai. Itong linggo, ipapaalala ni Ptr. Renz Raquion na ang kasalanan ay maaring magresulta sa pagbagsak ng simbahan. Gayumpaman, ang Diyos ay may habag para sa lahat ng maglalakas-loob na harapin at talikuran ang kasalanan.

Israel witnessed how secret sins can devastate their community when they were defeated at Ai. This week, Ptr. Renz Raquion reminds us that such sins can lead to our collective downfall as a church. Let us turn to God, who has mercy for all who have the courage to turn away from sin.


Basahin sa Bibliya

Joshua 7

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ng isang pagkakataon na naka-apekto ang iyong desisyon sa ibang tao o kaya naman naapektuhan ka ng desisyon ng ibang tao.

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang hindi nagawa ni Joshua at ng mga pinuno? Paano sila tumugon nang matalo sila sa Ai?
• Ano ang kasalanan ni Achan? Ano ang naging kinahinatnan ng kanyang kasalanan?
• Ano ang iyong palagay sa pagdurusa ng buong komunidad dahil sa kasalanan ni Achan?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Sa anong paraan ka nakaka-relate kay Joshua?
• Sa anong paraan ka nakaka-relate kay Achan?
• Ano ang iyong saloobin kapag ang iyong kasalanan ay ipinaalam sa iyo (sa pamamagitan ng pagbabasa ng Bible, sa pamamagitan ng isang kaibigan, atbp.)? Magbahagi ng karanasan. Paano ka makakatugon nang mas mabuti?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Anong mga katotohanan ang kailangan mong matandaan sa tuwing ikaw ay nahaharap sa tukso? Isulat ang mga ito sa papel.

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Gumugol ng ilang minuto sa katahimikan. Indibidwal na manalangin at hilingin sa Diyos na ihayag ang anumang nakatagong mga kasalanan sa ating puso.
• Manalangin bilang isang grupo. Ipagdasal na magkaroon ng pusong handang tumanggap ng paghimok o pagtutuwid mula sa Diyos, ikumpisal ang ating mga kasalanan sa Diyos at humingi ng kapatawaran sa Diyos, at mag-obey habang inihahayag ng Diyos ang Kanyang pagmamahal at pagpapatawad sa atin.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.