Close

January 29, 2023

Tiwala at Tapang: Finding Confidence in God For Our Future (Part 4)

Kailangan natin matutong huminto at taimtim na manatili sa kalooban ng Diyos upang mas lalong tumibay ang ating pagtitiwala sa Kanya. Ngayong linggo, ipapaliwanag ni Ptr. Mike Cariño ang sinabi ng Diyos kay Joshua kung paano dapat maghanda ang Israel para sa kanilang haharapin na pagsubok.

To strengthen our faith in God, we must learn to be still and learn His will. This week, Ptr. Mike Cariño recounts how the LORD led Joshua to make unconventional war preparations as he readied the Israelites for their forthcoming battle with Jericho.


Basahin sa Bibliya

Joshua 5:1-15

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Paano ka naghahanda para sa isang araw (e.g. nagigising ng maaga, naghahanda ng almusal, chine-check ang schedule, atbp.)? Anong nangyayari kung hindi ka nakapaghanda ng maayos?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Anu-ano ang mga iniutos ng Diyos na gawin ng mga Israelita?
• Ano ang kahalagahan ng mga ipinagawa ng Diyos sa mga Israelita? Bakit mahalagang maihanda sila bago makipaglabanan?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Paano ka hinahanda ng Diyos upang harapin ang hamon ng buhay mo ngayon? Ano ang pakiramdam nito? • Ano ang nais mong pulutin mula sa talatang ito?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Sa kasalukuyan, aling utos ng Diyos ang kailangan mong sundin? Paano mo ito gagawin? (Be specific. Kailan mo ito gagawin? Anong aksyon ang gagawin mo?)

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Panginoon sa paghanda ng ating puso upang harapin ang mga pagsubok at upang mapahalagahan ang Kanyang mga pagpapala.
• Humingi ng kapatawaran para sa mga panahon na ayaw nating sundin ang Kanyang kagustuhan.
• Ipagdasal na mas lumalim pa ang ating pananampalataya at tiwala sa Diyos at bukal sa loob tayong susunod sa Kanyang kagustuhan kahit na hindi natin naiintindihan.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.