Close

August 8, 2021

Pananampalataya sa Gitna ng Pagdurusa (6)

Ang Diyos na naglikha at nagtataguyod sa buong kalawakan ay Siya ring Diyos na may hawak sa ating mga buhay. Sa mensaheng ito, hinihikayat tayo ni Ptr. Michael Cariño na huwag manatiling nakatutok sa ating mga problema sa pamamagitan ng pagkilala sa kadakilaan ng ating Diyos.

The God who created and sustains the universe is also the God who is in control of our lives. In this message, Ptr. Michael Cariño teaches us to stop dwelling on our problems by recognizing God’s greatness.


Basahin sa Bibliya

Job 38-41

Life Group Discussion Guide

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Sa anong mga paraan natin nakikita ang kapangyarihan at kadakilaan ng Diyos?

3. Engage the heart (15-20 mins)

  • Para sa iyo, ano ang ibig sabihin na ang Diyos ay makapangyarihan at dakila?

4. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang kabanata 38-40. Paano ipinakilala ng Diyos ang Kanyang sarili kay Job?
  • Ilarawan ang kakayahan ng Diyos. Ilarawan ang kakayahan natin bilang tao.
  • Pagnilayan: Mayroon bang mga aspeto o bahagi ng iyong buhay na ang sentro nito ay ang iyong sarili sa halip na ang Diyos? Kung oo, anu-ano ang mga aspetong ng buhay ito?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Anong mga hakbang ang maaari mong gawin upang maging sentro ng iyong buhay ang Diyos imbes na ang iyong sarili?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Ipagdasal ang mga pangangailangan at mga alalahanin ng bawat isa. (10-15 minutes)
  • Ipagdasal ang ating pamayanang simbahan. (10-15 minutes)
    • Katapatan na matupad ang bisyon at misyon ng Diyos para sa CBCP kahit sa gitna ng pandemya.
    • Karunungan at patnubay ng Espiritu Santo sa pagplaplano ng ating simbahan para sa 2022.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.