Where Is God When I’m Hurting?: Kung Hindi Mo Matagpuan Ang Diyos sa Gitna ng Pighati
Normal lang na makaramdam ng galit sa Diyos kapag tayo ay dumaranas ng patuloy na sakit at tila hindi nasasagot ang ating mga panalangin. Kaya lang, marami ang naniniwalang ang pagpapahayag ng hinaing ay tanda ng kawalan ng pananampalataya. Ngayong Linggo, tatalakayin ni Reverend Michael Cariño na sa ating pananampalataya, malaya tayong lumapit sa Diyos, dala ang ating mga sugat. Mahalagang maging tapat tayo sa ating mga panalangin, kahit pa sa pagpapahayag ng ating sakit at mga suliranin.

