Close

April 12, 2026

Even When We Fail, Nananatili Siyang Tapat

Even When We Fail, Nananatili Siyang Tapat

Sa hardin ng Gethsemane, taimtim na sinunod ni Hesus ang Diyos sa pamamagitan ng pagsuko ng Kanyang kalooban sa Ama sa gitna ng matinding pagsubok at tukso. Ngayong Linggo, ipinaalala sa atin ni Pastor Joseph Ouano na kapag nahaharap tayo sa mga hamon, hindi tayo dapat umasa sa sariling lakas, kundi magtiwala sa Diyos na tapat at matatag.

In the Garden of Gethsemane, Jesus faithfully obeyed God by surrendering His will to the Father in the midst of intense trial and temptation. This Sunday, Pastor Joseph Ouano reminds us that when we face challenges, we must not rely on our own strength but instead trust in God, who is faithful and steadfast.


Basahin sa Bibliya

Mark 14:27-42

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng isang karanasan na akala mo kaya mo ay kaya mo, pero na-realize mong hindi mo pala kaya. Ano ang ginawa mo at ano ang nangyari?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang talaga. Paano ipinakita ng mga disciples (lalo na ni Peter) ang kanilang kumpiyansa at pagtanggi na aminin ang kanilang kahinaan o weakness?
  • Ano ang laman ng panalangin ni Jesus sa Gethsemane? Paano Niya ipinakita ang pag-submit sa kalooban ng Ama?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Gaano ka ka-honest kay God sa mga panalangin mo, lalo na sa mga kahinaan at kinatatakutan mo? Ano ang humahadlang sayo na sabihin sa Kanya ang mga ito?
  • Paano mo karaniwang hinaharap ang iyong mga kabiguan—tinatakasan mo ba ito o dinadala mo ito kay God? Ano sa tingin mo ang dahilan ng ganitong pagtugon?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • May mga pagkakataon ba sa buhay mo na tinatanggihan mong aminin ang kahinaan mo? Bakit? Ano ang isang practical na paraan para mas matutunan mong i-acknowledge ang weakness mo at i-surrender ang mga ito kay God ngayong linggo?
  • Kapag dumadaan ka sa trials o temptation, saan ka mas umaasa—sa sarili mong lakas o sa katapatan ng Diyos? Paano ka mas magiging gising at madasalin sa araw-araw mong buhay, lalo na sa mga panahon na may tukso?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Purihin mo ang Ama para sa Kanyang katapatan na hindi nagbabago kahit tayo ay nagkukulang. Pasalamatan Siya sa halimbawa ni Jesus, na nanatiling tapat at masunurin kahit sa gitna ng matinding paghihirap. Ipagsaya na ang pag-asa natin ay hindi nakasalalay sa sarili nating lakas, kundi sa Kanya na laging tapat at maaasahan sa bawat panahon ng buhay natin.
  • Magsisi para sa mga pagkakataon na umasa ka sa sarili mong lakas at itinanggi mong aminin ang iyong kahinaan. Humingi ka ng tawad sa mga panahong lumayo ka sa Diyos dahil sa kabiguan, takot, o kahihiyan. Ipanalangin mo na matuto kang maging tapat sa Kanya sa panalangin, aminin ang iyong kahinaan, at mas lalong magtiwala sa Kanyang katapatan kahit sa gitna ng pagsubok.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.