Close

March 22, 2026

Hindi Biktima: Jesus, the Willing Savior

Itinuturing ng marami na biktima si Hesus ng kataksilan at kontrolado ng mga pangyayari sa Kanyang paligid sa Huling Hapunan. Ngayong Linggo, ibabahagi ni Pastor Joseph Ouano kung paanong sadyang hinayaan ni Hesus ang mga pangyayaring hahantong sa Kanyang pagkakanulo at pagkapako sa krus bilang bahagi ng Kanyang plano ng sakripisyo at pagtubos para sa sangkatauhan.

Many see Jesus as a victim of betrayal, at the mercy of the events during the Last Supper. This Sunday, Pastor Joseph Ouano explains how Jesus intentionally allowed those events to unfold — His betrayal and crucifixion were part of God’s greater plan of sacrifice and humanity’s redemption.


Basahin sa Bibliya

Mark 14:12-26

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)

  • Magbahagi ng isang kamakailang karanasan kung saan sinunod mo ang mga instructions kahit na hindi mo ito lubos na naunawaan. Nasundan at nagawa mo ba? Ano ang nangyari?

3. Engage the mind (15-20 mins)

  • Basahin ang talata. Paano ipinapakita ng buong passage na si Jesus ay hindi biktima kundi kusang-loob na inialay ang Kanyang buhay?
  • Paano ipinakita ni Jesus na may malinaw Siyang layunin sa paghahanda ng Passover (vv. 12-16)?

4. Engage the heart (15-20 mins)

  • Anong mga parte sa buhay mo na pakiramdam mo ay biktima ka imbes na nagtitiwala ka na may layunin ang Diyos sa pinagdadaanan mo?
  • Paano mo tinutugunan ang calling ni Jesus—willing ka bang sumunod kahit mahirap o kaya ay walang kasiguraduhan? Ano ang naghihikayat at humahadlang sa iyo na sumunod sa Kanya?

5. Engage the hands (15-20 mins)

  • Ano ang isang kokretong bagay na tinatawag kang gawin ni Jesus ngayon, at paano ka susunod ngayong linggo? Mayroon bang tao na tinatawag ng Diyos na paglingkuran o mahalin mo nang may pagsasakripisyo, tulad ng ginawa ni Jesus?
  • Paano mo sasadyain na aalalahanin at bibigyang-papuri ang sakripisyo ni Jesus ngayong linggo (hal. pagdarasal, pagninilay, communion)?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)

  • Purihin ang Ama sa Kanyang dakilang plano ng kaligtasan na kusang-loob na tinupad ni Jesus. Pasalamatan Siya dahil si Jesus ay hindi biktima, kundi ang handang Tagapagligtas na buong pusong nag-alay ng Kanyang Sarili para sa atin. Ipagdiwang ang Kanyang katapatan at pagmamahal na hindi nagbabago, at ang biyaya na nagbibigay sa iyo ng bagong buhay at pag-asa.
  • Pagsisihan ang mga pagkakataon na hindi ka nagtiwala sa plano ng Diyos. Humingi ng kapatawaran sa mga oras na hindi ka naging tapat kay Jesus sa pagsunod, sa puso, o sa mga desisyon mo. Ipanalangin na tulungan ka ng Diyos na maging tapat, masunurin, at buong pusong sumunod kay Jesus, tulad ng Kanyang kusang-loob na pagsunod para sa iyo.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.