Ang Panawagan Ni Christ: Stay Awake
Binigyan tayo ni Kristo ng mga tanda na babalik Siya na may dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian. Ngayong Linggo, pinaaalalahanan tayo ni Pastor July David na manatiling mapagmatyag, balaan ang mga hindi pa handa, at kumapit sa pag-asa ng Kanyang mapagpalang pagbabalik.
Christ has given us signs that indicate He will return in power and glory. This Sunday, Pastor July David reminds us to remain vigilant, warn the unprepared, and hold fast to the blessed hope of His return.
Basahin sa Bibliya
Mark 13:24-37
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
- May pagkakataon bang may hinintay kang importanteng tao o event (bisita sa bahay, boss sa work, o exam result)? Anong paghahanda ang ginawa mo habang naghihintay?
3. Engage the mind (15-20 mins)
- Basahin ang talata. Ano ang mga mangyayari sa creation bilang mga palatandaan ng pagdating ng Panginoon?
- Ano ang itinuturo ng parable ng fig tree tungkol sa pag-discern ng “panahon” kahit hindi natin malalaman ang eksaktong araw o oras? Bakit mahalagang maging alerto kahit walang nakakaalam ng eksaktong oras ng Kanyang pagbabalik?
4. Engage the heart (15-20 mins)
- Kung babalik si Jesus ngayon, sa tingin mo ba handa kang humarap sa Kanya? Bakit o bakit hindi?
- Sa mga responsibilidad na ipinagkatiwala sa iyo ng Diyos (family, ministry, work, discipleship), masasabi mo bang ikaw ay tapat na steward? Bakit o bakit hindi?
5. Engage the hands (15-20 mins)
- May mga bahagi ba sa buhay mo kung saan parang spiritually sleepy ka (prayer life, obedience, o devotion sa Diyos)? Ano ang isang practical step na uumpisahan mong gawin ngayong linggo para manatiling spiritually awake?
- May isang tao ba sa paligid mo na kailangan mong tulungan na makilala si Christ habang may pagkakataon pa? Ano ang gagawin mong first step?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
- Purihin ang Ama sa Langit dahil Siya ay tapat sa lahat ng Kanyang pangako at ang pagbabalik ni Jesus ay tiyak na mangyayari. Pasalamatan Siya dahil ipinakita Niya sa Kanyang Salita ang mga katotohanang kailangan nating malaman upang mamuhay nang handa at may pag-asa. Magpasalamat dahil si Jesus na dating suffering Savior ay babalik bilang reigning King, at dahil sa Kanya, tayo ay tinawag na maging bahagi ng Kanyang kaharian at mamuhay bilang anak ng liwanag habang hinihintay ang Kanyang pagbabalik.
- Magsisi sa mga panahon na naging spiritually sleepy ka at hinayaan mong lumamig ang iyong relasyon sa Diyos. Humingi ng kapatawaran sa mga oras na mas minahal mo ang mundo kaysa kay Christ at naging pabaya ka sa mga responsibilidad na ipinagkatiwala Niya sa iyo. Ipanalangin mo na gisingin ng Panginoon ang iyong puso upang mamuhay ka nang tapat, may integridad, at laging handa habang hinihintay ang maluwalhating pagbabalik ni Jesus.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.
