Ikaw ang Lahat sa Akin
Inihayag ni Jesus kung ano ang kailangan upang maging Kanyang disipulo: ang pasanin ang krus at sumunod sa Kanya. Ngayong Linggo, ipinaalala sa atin ni Ptr. Renz Raquion na tinatawag tayo ni Hesus na ituring Siya bilang lahat sa atin sa pamamagitan ng pagtanggi sa sarili at pagpapasan ng krus, upang mahubog ng ating pananampalataya ang bawat aspeto ng ating buhay.
Jesus revealed what’s expected of His disciples: pick up the cross and follow Him. This Sunday, Ptr. Renz Raquion reminds us that Jesus calls us to make Him our all through self-denial and taking up the cross as we allow our faith to shape every aspect of our lives.
Basahin sa Bibliya
Mark 8:31-38
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ano ang isang kanta na magddesribe sa relasyon mo kay Jesus ngayon?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Bakit pinagalitan ni Jesus si Peter? Paano pinapakita niyo ang pagkakaiba ng paraan ng Diyos at ang paraan ng mundo?
• Ano ang ibig sabihin ng “”deny yourself, take up your cross, and follow Jesus”” sa atin ngayon?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Sa anong bahagi ng iyongbuhay ang gusto mo ang pagpapala ni Jesus pero linalabanan mo ang Kanyang mga pamamaraan? Saan ka naglalagay ng conditions sa iyong commitment sa Kanya?
• Ano ang kasalukuyang nakikipagkumpitensya kay Jesus para sa posisyong “”lahat”” sa iyong puso? Ano ang magiging itsura ng tunay na “”deny yourself”” sa bahaging iyon?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Kapag may titingin sa mga desisyon mo, prayoridad, at mga pakikopagusap sa loob ng isang linggo, masasabi ba nilang si Jesus ang “”lahat”” sa iyong buhay? Bakit o bakit hindi? Ano kaya ang kailangan mong baguhin?
• Paano sumasalamin (o hindi sumasalamin) ang iyong buhay mula Lunes hanggang Sabado sa iyong mga pagpapahayag ng pagmamahal kay Jesus tuwing Linggo? Saan ka nahihirapang gawing “”lahat”” si Jesus? Anong praktikal na aksyon ang gagawin mo upang ipakita na si Jesus ay iyong “lahat”?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos sa pagiging tunay nating “lahat” sa pamamagitan ng Kanyang sakripisyo sa cross. Pasalamatan Siya na sa tuwing tinatalikuran natin ang ating sarili upang sumunod kay Christ, matatagpuan natin ang tunay na kahulugan ng buhay—hindi panandalian kundi walang hanggan, hindi mababaw kundi pangmatagalan.
• Magsisi sa mga oras na naglagay ka ng mga kondisyon sa iyong commitment kay Jesus at hinayaan mong maging iyong “lahat” ang ibang mga bagay. Humingi ng kapatawaran sa pagpili sa ginhawa, tagumpay, o sarili mong mga plano higit sa Kanyang kalooban. Manalangin na palitan Niya ang iyong nahahati na puso ng isang exclusive devotion kay Christ.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.
