Close

September 7, 2025

Ang Paalala Ni Christ To Guard Against Our Hardened Hearts

Kailangan nating ingatan ang ating puso laban sa mga impluwensyang maaaring maglayo sa atin mula sa katotohanan at kapangyarihan ng Diyos. Ngayong Linggo, pinaaalalahanan tayo ni Rev. Mike Cariño na huwag hayaang maging manhid ang ating mga puso dahil sa labis na pagtutok sa mga alalahanin ng buhay, sa kakulangan ng pagtitiwala sa Diyos, at sa patuloy na pagtanggap ng mga nakalalasong impluwensya sa ating buhay.

We need to protect our hearts from influences that can lead us away from God’s truth and power. This Sunday, Rev. Mike Cariño warns us that we risk hardening our hearts when we become anxious about life’s worries, avoid placing our trust in God, and allow toxic influences into our lives.


Basahin sa Bibliya

Mark 8:14-21

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magshare tungkol sa isang tao na naka-influence sayo dati, whether good or bad. Paano siya nakaapekto sa puso at pagdedesisyon mo?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang ibig sabihin ng “yeast ng mga Pharisees” at “yeast ni Herod”?
• Paano nagiging matigas ang puso ng tao kapag puro makamundong pag-aalala ang focus niya? Paano mo ito nakikita ngayon?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Kapag dumadating ang mga worries sa finances, relationships, o future, paano ka tumutugon—nagtitiwala sa Diyos o nangangamba? Palagi mo bang naaalala ang katapatan ng Diyos o madalas mo ring makalimutan gaya ng disciples?
• Anong mga “yeast” ang hinahayaan mong makapasok sa iyong buhay ngayon (hypocrisy o pagkukunwari, pride o kayabangan, pagiging makamundo, o masasamang impluwensiya) na unti-unting nagpapatigas ng puso mo? Paano mo babantayan o aalisin ang mga ito?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Anong praktikal na paraan ang pwede mong gawin para mapalakas ang iyong spiritual memory (journaling, thanksgiving list, sharing testimonies, etc.)?
• Paano mo maipapakita sa iba na si Jesus ang tunay na Bread of Life, lalo na sa mga taong puro pagaalala o materyal na bagay ang iniisip?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin si Jesus dahil Siya ang Bread of Life na sapat sa lahat ng ating pangangailangan. Pasalamatan Siya para sa Kanyang katapatan noon, ngayon, at sa hinaharap. Magpasalamat din dahil hindi Siya sumusuko sa pagtuturo at paggabay sa atin kahit madalas tayong makalimot.
• Pagsisihan ang mga oras na hinayaan mong tumigas ang iyong puso na puno ng hypocrisy, pride, worldly desires, at sobrang pag-aalala. Humingi ng kapatawaran para sa mga pagkakataong hindi mo naalala ang Kanyang katapatan at kabutihan sa iyong buhay. Manalagin na matulungan kang bantayan ang iyong puso at magtiwala nang buo sa Kanya.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.