Close

July 27, 2025

Ang Pagbabago Na Gustong Makita Ni Christ Sa Atin

Ang hangad ni Kristo para sa atin ay ang tunay na pagbabago ng ating buhay. Mas mahalaga sa Kanya ang ating puso kaysa sa anumang gawaing pangrelihiyon. Ngayong Linggo, hinihikayat tayo ni Pastor July David na maging tapat sa ating relasyon kay Kristo, unahin ang Kanyang Salita higit sa mga tradisyon, at hayaan Siyang baguhin tayo mula sa ating puso.

Christ desires genuine life transformation; He values what’s in our hearts more than outward religious practices. This Sunday, Pastor July David encourages us to be faithful in our relationship with Christ, to prioritize His Word over traditions, and to allow Him to transform us from the inside out.


Basahin sa Bibliya

Mark 7:1-23

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• I-share ang isang time na ginawa mo ang isang “Christian” habit (katulad ng prayer, worship, attending church) pero feeling mo parang wala ka namang connection kay God nung time na yun. Ano ang nangyari?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang concern ng mga Pharisees (vv.1-5)? Bakit iba ang naging tugon ni Jesus?
• Ano ang tinutukoy ni Jesus na tunay na nagpaparumi sa isang tao (vv.14-23)? Ito rin ba ang iyong paniniwala bago basahin ito? Bakit or bakit hindi?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Be honest: Nagiging “real” ba ako with Jesus or feeling religious lang? Sinusundan ko ba ang Salita ng Diyos o mas nangingibabaw sa akin ang mga tradisyon? Nagbabago ba ang puso ko o yung panlabas lang?
• Kapag bigla kang nagkaroon ng masamang iniisip o intensyon, paano ka tumutugon? Binabago mo ba agad ito o hinahayaan mo muna?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Paano ka magsisimula ng personal na pagbabasa at pag-aaral ng Bible na hindi lang umaasa sa preaching o sa sinasabi ng iba?
• Mag-share ng isang ugali o habit na alam mong kailangan mong i-surrender sa Diyos para tuluyang mabago ang iyong puso.

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos na tumitingin hindi lang sa panlabas kundi sa tunay na kalagayan ng ating puso. Pasalamatan Siya dahil hindi Niya tayo tinataboy kahit minsan ay nagiging plastic tayo. Magpasalamat sa Kanyang pagmamahal na hindi nakabase sa mga gawi natin kundi sa katapatan ng puso. Pasalamatan natin si Christ na may kapangyarihang baguhin tayo mula sa loob hanggang labas.
• Humingi ng kapatawaran sa mga panahon na naging relihiyoso ka lang pero malayo ang puso mo sa Kanya. Humingi ng tawad sa mga panahong pinili mo ang tradisyon kaysa sa katotohanan ng Kanyang Salita. Magsisi sa mga oras na naging kampante ka sa panlabas na pagbabago pero hindi hinayaang baguhin ni Christ ang puso mo. Ipagdasal na magkaroon ng bukas at tapat na puso araw-araw, na handang itama, turuan, at baguhin ng Diyos.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.