Ang Pagpapalaya Ni Christ Sa Atin: From a Slave of Darkness to a Servant of the Light
Marami sa atin ang namumuhay nang walang pag-asa—bihag ng kasalanan at walang kakayahang makawala sa hawak nito. Ngayong Linggo, ipapaalala sa atin ni Rev. Mike Cariño na si Kristo lamang ang makakapagpalaya sa atin mula sa kadiliman, makakadaig sa ating mga kahinaan, at makakasagip sa atin mula sa pagkakalugmok, upang tayo’y mamuhay nang tapat sa Diyos.
Many of us live without hope—captives of sin and unable to break free from its grip. This Sunday, Rev. Mike Cariño reminds us that only Christ can free us from darkness, overcome our weaknesses, and rescue us from despair so that we may live faithfully before God.
Read Today’s Scripture Passage
Mark 5:1-20
Life Group Discussion Guide
1. Start with a prayer
2. Engage one another (15-30 mins)
– Ibahagi ang isang bagay na dati mong kinatatakutan o bagay na kinokontrol ka. Ano ang nakatulong sa iyo na mapagtagumpayan ito?
3. Engage the mind (15-20 mins)
– Basahin ang talata. Paano ipinakita ni Jesus ang Kanyang kapangyarihan laban sa mga demonyo?
– Bakit hindi pinasama ni Jesus ang lalaki sa Kanya at sa halip ay pinabalik siya sa kanyang bayan?
4. Engage the heart (15-20 mins)
– Sa anong bahagi ng buhay mo ang pakiramdam mo ay parang bihag ka pa rin ng kadiliman o kasalanan? May mga bahagi ba ng buhay mo na kinatatakutan mong isuko kay Jesus? Bakit?
– Kapag tumanggi si Jesus sa iyong kahilingan (tulad ng kahilingan ng lalaki na sumama sa Kanya), paano ka karaniwang tumutugon? Nagtitiwala ka ba na may mas magandang plano ang Diyos kaysa sa iyong sariling mga hangarin/opinyon?
5. Engage the hands (15-20 mins)
– Ano ang isang hakbang na maaari mong gawin ngayong linggo para harapin ang mga kasalanang patuloy na umaalipin sa’yo?
– Paano mo maipapakita sa iba ang kapangyarihan at pag-ibig ni Jesus sa pagbabago ng iyong buhay?
6. Engage with God in prayer (20-30 mins)
– Purihin ang Diyos dahil Sya lamang ang may kapangyarihang magpalaya. Magpasalamat na hindi Nya tayo iniiwasan kundi sadyang nilalapitan Nya tayo para palayain mula sa kadiliman ng kasalanan. Pasalamatan din Sya para sa bagong buhay at kapayapaan na ipinagkakaloob Nya sa atin.
– Magsisi para sa mga panahon na pinipili mong manatili sa kadiliman kaysa lumapit sa Kanyang liwanag. Humingi ng kapatawaran sa iyong pag-aalinlangan na lubusang magpasakop sa Kanyang kapangyarihan. Ipagdasal na tulungan kang lubos na magtiwala sa Kanyang kakayahan na magpalaya at magbigay ng bagong buhay.
Would you like to try joining a Life Group session? Fill out our Contact Form and our Life Group Officer will get in touch with you shortly.
Tithes & Offering
If CBCP is your home church and you are moved to give at this time, you may deposit your offerings via online fund transfer to our church bank accounts. Learn how to give.