Ang Pagpapahalaga ni Christ sa Tao!
Hindi nakatuon ang ministeryo ni Hesus sa paglikha ng mga bagong pamantayan sa relihiyon o sa pamamahala ng pulitika; sa halip, ito ay nakasentro sa mga tao. Sa linggong ito, ibinabahagi ni Pastor July David kung paano tayo tinuturuan ni Hesus na unahin ang iba, kumilos nang may habag, at maging huwaran ng awa.
The ministry of Jesus did not focus on creating new religious norms or governing politics; instead, it was centered on people. This week, Pastor July David shares how Jesus teaches us to prioritize others, act compassionately, and be models of mercy.
Basahin sa Bibliya
Marcos 3:1-6
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Sino ang isang taong kilala mo na nagpapakita ng pambihirang kakayahan sa pag-uuna sa kapakanan ng iba kaysa sa mahigpit na pagsunod sa mga patakaran? Ano ang mga partikular na katangian o aksyon nila na iyong hinahangaan?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang ipinapakita nito tungkol sa pananaw ni Jesus sa mga rules laban sa mga relationships?
• Paano nahadlangan ng sobrang higpit sa pagpapatupad ng patakaran ng Pharisees ang ang pagkakaroon ng mas malalim na pag-unawa sa kahulugan ng kautusan ng Diyos
4. Engage the heart (15-20 mins)
• May mga pagkakataon ba na inuna mo ang mga patakaran o tradisyon kaysa sa pagpapakita ng pagmamahal o pagbibigay ng suporta? Ano ang nag-udyok sa desisyong iyon?
• Mayroon bang isang tao sa iyong buhay na mas mabilis mong husgahan kaysa magpakita ng awa? Saan sa palagay mo nanggagaling ang pag-judge mo?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Ano ang ginagawa mo para unahin ang mga tao kaysa sa mga patakaran sa pang-araw-araw mong buhay – sa trabaho/school, simbahan, o sa bahay?
• May mga pagkakataon ka bang naalinlangan tulungan ang isang tao dahil sa takot, uncertainy, o mga social pressure? Ano ang humadlang sa iyo? Ano ang isang praktikal na paraan para makakilos ka nang may compassion sa linggong ito sa halip na manatiling passive kapag nakakita ka ng nangangailangan?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Ama sa Langit para sa Kanyang walang-hanggang awa at pagmamahal. Magpasalamat sa Kanya sa pagpapahalaga sa atin nang higit sa mga patakaran at mga ritwal, pagpili ng compassion kaysa sa judgment agad. Magalak sa Kanyang pagkabukas-palad, na higit pa sa mga batas, at para sa Kanyang sukdulang sakripisyo na naging posible sa pagtubos at pagpapanumbalik.
• Magsisi sa mga panahong pinili mo ang mga rules sa mga relationships, judgment sa awa, o pagiging passive kaysa sa maging compassionate. Humingi ng kapatawaran para sa anumang katigasan ng puso na humadlang sa iyo na makita ang mga tao sa paraang nakikita ni Jesus. Ipagdasal na mahalin mo ang iba gaya ng pagmamahal ni Kristo, na nagbibigay ng grace and pang-unawa sa bawat sitwasyon.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.