A Widow’s Heart
Minsan, kailangan munang mawala ang lahat sa atin bago natin maranasan ang kamangha-manghang tagumpay ng Diyos. Sa linggong ito, ibinabahagi ni Pastor Isaac Cheung kung paano, sa ating mga pinaka-desperadong sitwasyon, maaaring lumalim ang ating pag-asa at pagtitiwala sa presensya at kapangyarihan ng Diyos.
Sometimes, we need to lose everything before we can experience God’s extraordinary triumph. This week, Pastor Isaac Cheung shares how our most desperate circumstances can lead us to rely more fully on God’s presence and power.
Basahin sa Bibliya
2 Kings 4:1-7
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Magbahagi ang isang sitwasyon na desperado kang magkaron ng isang bagay. Paano nakaapekto ang sitwasyong ito sa iyo at sa iyong relationship sa Diyos?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang tinuturo nito tungkol sa kahalagahan ng ating pananampalataya sa pagtanggap ng mga kaloob ng Diyos?
• Paano pinapakita ng di nauubos na oil ang kakayahang mag-provide ng Diyos sa mga sitwasyong mukhang imposible para sa atin?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Sa anong paraan ka nakaka-relate sa puso at pinagdaanan ng widow?
• Pagnilayan: Paano ka tumutugon sa mga mahihirap na sitwasyon? Hinaharap mo ba ang sitwasyon nang may pagpapakumbaba at honest mo bang dinadala ito sa Diyos? Bakit o bakit hindi?
• Paano ka personal na tumutugon kapag pakiramdam mo ay wala kang maibibigay o nahaharap sa isang sitwasyong tila imposible?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Sa anong aspeto ng iyong buhay ang tinatawag ng Diyos na magtiwala sa Kanya provision?
• Ano ang maaari mong gawin ngayong linggo upang ipasa-Diyos ang iyong mga pangangailangan nang may pagtitiwala?
• Anong mga “jars of oil” (forgiveness, relationship, career, dream, etc.) ang meron ka na nais ng Diyos na i-obey mo nang may pagpapakumbaba at may desperadong pagtitiwala?
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos para sa Kanyang walang katapusang kabutihang loob at provision, lalo na sa mga mahihirap na sitwasyon. Pasalamatan Sya dahil sa Kanyang presensya, para sa pag-asa na Kanya lang mahahanap, at para sa pagpapatawad na Sya lang ang may kakayahang magbigay upang ibalik tayo sa Kanya.
• Pagsisihan ang mga panahong nagduda ka sa kakayahang mag-provide ng Diyos at sa mga panahong pinili mong umasa sa sariling kakayahan imbes na humingi ng gabay sa Diyos. Ipagdasal na magkaron ng puso na nagpapasa-Diyos at nagpapakumbaba na umasa sa Kanya sa lahat ng sitwasyon.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.