Close

November 17, 2024

God Can Make a Way When There Seems to Be No Way

Sa gitna ng pinakamahirap na sitwasyon, ang Diyos ay kumikilos. Ngayong linggo, ibinabahagi ni Rev. Mike Cariño na ang mga matitinding pagsubok sa buhay ang nagtuturo sa atin na hanapin ang pag-asa, kalakasan, at tamang pag-iisip sa Diyos—hindi sa sarili nating kakayahan.

God is at work, even in the most dire situations. This week, Rev. Mike Cariño reminds us that life’s severe trials teach us to rely less on our strength and instead anchor our hope, strength, and thinking in God alone.


Basahin sa Bibliya

Exodus 14

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ibahagi ang isang pagkakataon na may nangako sa iyo at tinupad nya ito, kahit na inakala mong hindi ito matutupad. Paano nakaapekto ang karanasang iyon sa inyong relasyon?

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Suriin ang Exodus 7-14 at pansinin ang iyong mga obserbasyon sa “mission impossible” na ito nang inutusan ng Diyos sina moses at Aaron na pumunta kay Pharaoh nang paulit-ulit, kahit na alam Nyang hindi Nya pababayaan ang mga Israelites (7:1-7). Paano ito nakakatulong sa iyo na maunawaan ang plano at layunin ng Diyos?
• Anong mga karaniwang pagsubok ang kinakaharap ng mga tao ngayon na nagiging dahilan na mawalan sila ng pag-asa at focus sa Diyos?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Kapag nahaharap ka sa mga passubok, madali ba o mahirap ang magtiwala sa mga pangako ng Diyos? Ano ang naghihikayat at humahadlang sa iyo na gawin ito?
• May mga bahagi ba sa iyong buhay kung saan nahihirapan kang tingnan ang mga bagay mula sa pananaw ng Diyos, lalo na sa panahon ng pagsubok at kahirapan?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Maglista ng sampung (10) pangako ng Diyos para sa atin ayon sa Bible. Paano mo mapapaalalahanan ang iyong sarili sa mga pangakong ito at maiayon ang iyong pananaw sa Diyos sa mga sandali ng pagdududa, takot, at paghihirap?
• Ano ang maaari mong gawin sa linggong ito upang mabuo ang iyong pag-asa sa kapangyarihan ng Diyos sa halip na sa iyong sariling kalakasan kapag may dumating na mga pagsubok?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos sa Kanyang hindi natitinag na katapatan bilang ating Way-maker at Promise-keeper, na hindi tayo binibitawan kahit na tayo ay nagdududa o nawawalan ng pag-asa. Magpasalamat sa Kanyang proteksyon, sa kapangyarihang ipinapakita Niya sa ating buhay, at sa paggabay sa atin. Magalak na Siya ay laging nariyan, na ginagamit ang bawat pagsubok para mas mapalapit tayo sa Kanya.
• Magsisi para sa mga panahong nag-alinlangan ka sa mga pangako ng Diyos at hinayaan ang takot na makaapekto ang iyong pagtitiwala sa Kanyang plano. Humingi ng kapatawaran sa pag-aasa sa sarili mong lakas sa halip na sa Kanyang kapangyarihan at pangako. Manalangin para sa pusong kumakapit sa Kanya, nagtitiwala sa Kanyang katapatan, at nagbibigay-lakuwalhatian sa Kanya kahit sa pinakamahirap na sandali.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.