Church, Stand Firm In and For Jesus!
Sikapin nating manatili sa Panginoon at maging pagpapala sa mga tao sa ating paligid. Ngayong linggo, hinihikayat tayo ni Ptr. Allan Rillera na manindigan sa katotohanan, maging mapagpakumbaba, at buong pusong paglingkuran ang isa’t isa upang itaguyod ang pagkakaisa at ikabubuti ng ating Simbahan.
Let us strive to remain in the Lord and be a blessing to those around us. This week, Ptr. Allan Rillera encourages us to stand firm in the truth, remain humble, and wholeheartedly serve one another to promote unity and the well-being of our Church.
Basahin sa Bibliya
1 Corinthians 16:13-24
Life Group Discussion Guide
1. Magdasal bilang panimula.
2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ibahagi ang isang kamakailang pagkakataon na naranasan mo ang pagmamahal at pagmamalasakit sa isang kapatid sa pananampalataya. Paano ito nakaapekto sa iyong relasyon sa kanya?
3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Ano ang mga impluwensya ng kultura, lipunan, at ng mga false teachers ang nakikita mong nakakaapekto sa mga Kristiyano?
• Bakit patuloy na binibigyang-diin ng Bible ang pagkilos nang may pag-ibig sa iba? Paano naging pundasyon ang pag-ibig para sa isang malusog at matatag na komunidad?
4. Engage the heart (15-20 mins)
• Aktibo mo bang binabantayan ang iyong sarili laban sa mga masasamang impluwensya? Ano ang naghihikayat at humahadlang sa iyo na gawin ito?
• Nagmamahal ka ba nang katulad ni Hesus? Mayroon bang mga partikular na relationships kung saan kailangan mong lumago sa pag-ibig?
5. Engage the hands (15-20 mins)
• Kumusta ang iyong personal na oras kasama ang Diyos at ang Kanyang Salita? Sa anong mga paraan maaring lumalim ang iyong pagunawa at pagtibay sa pananampalataya?
• Tukuyin ang isang praktikal na paraan upang ipakita ang mala-Kristong pagmamahal sa isang tao sa iyong komunidad ngayong linggo.
6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Diyos para sa regalo ng Kanyang hindi nagbabagong Katotohanan na pwede nating kapitan sa gitna ng isang mundong puno ng nagbabagong impluwensya. Magpasalamat sa Kanya sa lakas na manindigan sa pananampalataya at sa pagmamahal na ibinubuhos Niya sa ating mga puso, na nagbibigay ng lakas sa atin na mahalin nang lubos ang isa’t isa.
• Magsisi sa mga panahong pinahintulutan mo ang mga makamundong impluwensya na yumanig sa iyong pananampalataya o sa panahong hindi ka nanindigan sa Katotohanan. Humingi ng kapatawaran para sa mga sandali ng kawalan ng pasensya o kawalan ng pagmamahal sa iba, lalo na kapag ang kanilang mga kilos o salita ay sumusubok sa iyong pananampalataya. Ipagdasal na baguhin ng Diyos sa iyo ang diwa ng matatag na pagmamahal, pagpapakumbaba, at paggalang sa mga naglilingkod, na tumutulong sa iyong bumuo ng isang komunidad na nakasentro kay Kristo na may tunay na pagsasama-sama at pagkakaisa.
Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.
Tithes at Offering
Kami po ay nagpapasalamat sa Diyos sapagkat nabigyan tayo ng online na pamamaraan upang makapagsamba sa kabila ng nagaganap na pandemya dulot ng Coronavirus. Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.