Close

October 27, 2024

The Resurrection at ang Ibig Sabihin Nito sa Atin

Nitong mga nakaraang linggo, pinag-usapan natin ang katotohanan at kahalagahan ng Muling Pagkabuhay sa ating pananampalataya. Ngayong linggo, ibabahagi ni Ptr. Joseph Ouano ang pangako ng mas mabuting kasalukuyan at hinaharap na dala ng Muling Pagkabuhay para sa bawat mananampalataya.

In recent weeks, our Sunday messages have focused on the truth of the Resurrection and its vital role in our faith. This week, Ptr. Joseph Ouano shares the significance of the resurrection for believers through the promise of a better today and tomorrow.


Basahin sa Bibliya

1 Corinthians 15:50-58

Life Group Discussion Guide

Download PDF

1. Magdasal bilang panimula.

2. Engage with one another (15-30 mins)
• Ano ang pumapasok sa isip mo kapag naririnig mo ang salitang ‘tagumpay’? Ibahagi ang isang pagkakataon na nadama mo ang tagumpay sa isang mahirap na pagsubok.

3. Engage the mind (15-20 mins)
• Basahin ang talata. Paano inilarawan ni Paul ang huling tagumpay laban sa kamatayan? Paano binabalikgtad ng kamatayan at resurrection ni Jesus ang mga epekto ng kasalanan at kamatayan? (vv.54-57)
• Paano nagsisilbing modelo at pangako ang resurrection ni Jesus para sa hinaharap na resurrection ng mga mananampalataya? Anong mga katangian ng katawan ni Jesus pagkatapos niya mag-resurrect ang mahalaga sa pag-unawa sa ating binagong katawan sa hinaharap?

4. Engage the heart (15-20 mins)
• Nabubuhay ka ba na may pag-asa na ang kamatayan ay natalo sa pamamagitan ng resurrection ni Jesus? Sa anong mga bahagi ng iyong buhay kailangan mong mas tanggapin ang pagtagumpay na ito?
• Naramdaman mo na ba na ang iyong pagsisikap para sa Panginoon ay walang kabuluhan? Ano ang naghihikayat o humahadlang sa iyo sa pagsunod at paglilingkod sa Diyos?

5. Engage the hands (15-20 mins)
• Sa anong mga paraan maaari kang manatiling matatag sa iyong calling? Mayroon bang mga tukso o hadlang na kailangan mong pagtagumpayan upang manatiling tapat sa kung ano ang tinawag ng Diyos sa buhay mo?
• Paano ka magiging aktibo sa pagsunod at paglingkod sa Panginoon? Anong mga pagkilos ang maaari mong gawin sa linggong ito?

6. Maglaan ng oras para sa pagdadasal (20-30 mins)
• Purihin ang Panginoon para sa hindi karapat-dapat na regalo ng resurrection. Magpasalamat sa Kanya para sa tagumpay laban sa kamatayan na mayroon tayo sa pamamagitan ng kamatayan at muling pagkabuhay ni Kristo. Magalak na sa pamamagitan ng Kanyang kapangyarihan, tayo ay nababago mula sa nabubulok tungo sa hindi nasisira, at ang ating paggawa sa Panginoon ay may kabuluhan.
• Magsisi sa mga panahong nabuhay ka na parang ang resurrection ay hindi mo pag-asa, na nagpapahintulot sa takot, pag-aalinlangan, o makamundong alalahanin na mangibabaw sa iyong puso. Humingi ng kapatawaran sa hindi pagbibigay ng iyong sarili nang lubusan sa gawain ng Panginoon, na kadalasang naaakit ng mga abala. Manalangin para sa isang panibagong pangako na mamuhay nang may pag-asa at katatagan, ganap na nakatuon sa Kanyang paglilingkod.

Nais mo bang masubukan na sumali sa isang Life Group session? Sagutin ang online form na ito upang makapagsimula.


Tithes at Offering

Kung ikaw ay miyembro ng CBCP at nais mong magbigay pabalik sa Panginoon, maaring magdeposito sa mga bank account ng simbahan gamit ang online fund transfer. Alamin kung paano.